Isang sangg0l iniwan sa tabi ng kulungan ng manok, dahilan ng Ina nagpagluha sa maraming netizen

Usap-usapan ng maraming netizen sa social media ang isang post ng netizen na si Meralyn Sagayno Vega mula sa Ginatilan, Cebu. Ang kanyang post ay tungkol sa sumulpot na batang sangg0l sa labas mismo ng pinto ng kanilang bahay noong Martes ng madaling araw.

Ang sangg0l ay nakabalot lang raw at walang kamuwang-muwang na nakasilid sa isang sira-sirang karton.

“Inilagay talaga sa bungad pagkalabas ng pinto, isinilid lang sa karton. Isinama sa kulungan ng mga manok. Sobrang nakaka-awa,”

“Natabunan pa ang mukha niya sa telang pinambalot kaya sobra ang kanyang pag-iyak. At nung tinanggal na ng bunso namin yung nakatabon sa mukha niya, ngumiti ang bata at sobra ang pawis niya,” salaysay ni Meralyn

Noong kukunin na raw nila ang sangg0l, may nakita silang isang liham na tingin nila ay iniwan umano ng Ina ng bata na humiling na sana’y buhayin nila ang anak nito.

Nakasulat sa liham na gusto lang ng Ina na mailigtas ang naturang sangg0l dahil tatlong araw na siyang walang kain at tanging tubig nalang ang iniinom nito upang malamanan ang tiyan at mabuhay.

“Maam/Sir, nagmamakaawa ako, buhayin nyo ang anak ko,” nakalagay sa sulat.

Dagdag pa ng nakasulat sa liham, biktima rin daw siya ng pananªkit at pambubugb0g ng taong nakªbuntis sa kanya at iniwan siya noong panahon ng kanyang kapanganakan.

Humihingi ng patawad ang Ina sa kanyang anak dahil nagawa niya itong iwan. Tanging hiling niya na kahit ang anak na lang niya ang mabuhay dahil hindi niya na kaya ang sobrang panghihina ng kanyang katawan.

Samantala, ayon kay Meralyn, ang bata ay nasa pangangalaga na ng kanilang Rural Health Center at ito ay nasa maayos ng kalagayan.

Patuloy naman sa pag trace ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng Ina nito.

NARITO ANG INIWANG LIHAM NG INA:

Maam/Sir, nagmamakaawa ako, buhayin niyo ang anak ko.

Maam, hiling ko na sana’y mabinyagan siya bago paman ako mawala dito sa mundo.

Hindi po ako taga rito. Dinala lang po ako ng naka-buntis sa akin, pero nong walong buwan na ang tiyan ko, iniwan din niya ako.

Binubugbog at sinasaktan din niya ako. Hindi din pa ako nakakabayad sa aking panganganak.

Humihiling ako sa inyo Mam na mairehistro ang anak ko at mapa-immunize.

Tatlong araw na akong hindi kumakain, umiinom na lang ako ng tubig.

Baby, patawarin mo ako. Gusto ko Lang na mabuhay ka at di ka mamat@y. Pagod na pagod na ang katawan ko Baby. Hindi ko na kaya.

Mam, pangalanan mo na lang po yang anak ko ng Kathlen. Ipinanganak ko siya noong Nobyembre 3, 2021 sa alas 3:30. Maraming salamat.”

Source: Meralyn Sagayno Singuit Vega