Ina, nakita sa monitor ang isang “Ghost Baby” sa tabi ng kanyang anak habang natutulog

Para sa kaalaman ng marami, normal sa ibang bansa partikular sa Amerika na hindi nila kasama na natutulog sa isang silid ang kanilang anak kahit pa ito ay sangg0l pa lamang.

Ayon kasi sa kanila nais raw nilang turuan agad ang kanilang anak na maging “independent” kahit pa nasa murang edad pa lang ito.

Katulad na lang ng mag-asawang Dean Evans (42) at si Laura Haigh (39) sila ay nakatira sa Plymouth, Devon kasama ang kanilang anak na si Sebastian.

Ayon sa mag-asawa dahil palaki na ng palaki ang kanilang anak at ito ay natuto nang umakyat sa kanyang crib, napagdesisyunan nila na maglagay ng baby monitor dito.

Para daw makita nila ang kanilang anak kahit sila ay nasa kabilang kwarto para mapanatiling ligtas ang bata. Subalit isang gabi habang mahimbing na natutulog ang kanilang anak ay sumilip si Laura sa baby monitor at laking gulat niya dahil tila mayroon daw kakaibang imahe ang makikita sa naturang monitor o video.

Sa una raw ay inakala lang nila na ito ay isang teddy bear o kaya ay manika, subalit hindi nila lubos akalain na bigla na lamang itong gumalaw.

Napasigaw naman agad si Laura at sinabi niya agad ito sa kanyang asawa. Agad tinakbo ni Dean ang kwarto ng kanilang anak dahil inakala nitong may maliit na hayop na nakapasok sa kwarto ni Sebastian.

Subalit pagpasok ni Dean sa kwarto ay wala naman itong nakita na kahit ano. Habang si Laura naman ay hindi pa rin makalimutan ang nakita at kinilabutan sa mga sumunod na nangyari dahil sa gumalaw talaga ang tila multong sangg0l na nakita nito sa naturang monitor.

Ang naturang video ng kanilang baby monitor ay ipinakita n Laura sa kanyang kapatid gamit ang Skype video, subalit wala raw kakaibang napansin ang kapatid nito.

Samantala, Ibinunyag naman ni Laura at ng kanyang asawang si Dean na noon pa man daw ay mayroon na silang nararamdaman na kakaiba sa kanilang bahay.