Isang bata na kulang ang pera na pambili ng birthday cake para sa kanyang Ina, tinulungan ng customer

Naantig ang damdamin ng mga netizen at nakuha ang kanilang atensyon dahil sa kwento at istorya ng isang bata na mula sa Davao City kung saan siya sana ay bibili ng cake para sa kaarawan ng kanyang Ina subalit kulang ang dala niyang pera.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Angelica Galido Bermoro, lumapit daw sa kanya ang isang bata na nagngangalang “Bibo” at inalalayan niya ang bata kung anong cake ang gusto nitong bilihin.

Nagtanong raw ang batang si Bibo sa babae kung magkano ba ang cake na kanyang itinuro at gustong bilihin.

“Magkano po , ate” – saad ni Bibo

Ang naturang cake raw na gustong bilihin ni Bibo ay nagkakahalaga ng P305 pesos.

Sinamahan ng netizen na si Angelica ang batang si Bibo pumuntang counter upang bayaran ang Cake na gusto ng bata, subalit ng bilangin ang pera ni bibo ay kulang pala ito pambili ng gusto niyang cake.

Ang perang dala ni Bibo ay nagkakahalaga lang ng Php 100 , Ayon sa bata “Birthday ng mama ko, bibilhan ko sana siya ng cake kaso kulang pera ko”

Samantala, hindi naman akalain ni Bibo na ang naturang netizen ay isang good samaritan at siya na raw ang magbabayad ng kulang ni Bibo.

Subalit sa kalaunan ay ibinalik narin ng netizen na si Angelica ang pera ni Bibo at siya na mismo ang nagbayad ng cake nito.

Labis naman ang tuwa ni Bibo , dahil daw sa tulong ng naturang Netizen ay mabibilhan niya ng Cake ang kanyang mahal na Ina para sa kaarawan nito. At hindi lang yan ang dapat na ibabayad niya sa cake ay ibibili na lang daw niya ng bigas dahil nakalibre naman siya ng cake sa tulong ng netizen na si Angelica.

Dahil sa kwentong ito, marami ang natuwa at nainspire sa kwento ni Bibo at ni Angelica Bermoro. Karamihan sa komento ng netizen ay hinahangaan si Angelica dahil sa pagtulong nito sa bata.

“God bless you Ms. Bermoro! Happy birthday to Nanay Flordeliz. You have shown well the good values to your kid! God bless you too baby Boy”

“Mabuhay ka Ms, Bermoro. Naway maraming katulad mo pa ang meron sa mundong ito. At para kay Bibo paki sabi kay Mama mo Happy Birthday”

“Touching story…Thank you Lord sa Ma’am nga nag sponsor sa Bata MABUHAY KA ATE”

Source: Facebook