Silipin ang simpleng buhay ng dating aktor na si Diether Ocampo bilang isang Haciendero matapos hindi maging aktibo sa showbiz

Marahil marami sa atin ang nakakakilala sa isa sa pinakamagaling at sikat na aktor noong 1990’s hanggang 2000’s na si Diether Ocampo. Hindi ito nakapagtataka kung bakit tinitilian ng maraming tagahanga si Diether dahil sa kanyang angking kagwapuhan at natatanging talento.

Si Diether din ay miyembro ng sikat na grupo na “The Hunks” kung saan dito ay kasama niya sa grupo sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi.

Ang angking kagwapuhan ng aktor ay nakuha niya sa magandang lahi kung saan siya ay may lahing Spanish, German at Chinese.

Samantala, bago pa sumikat at pumasok sa pag-aartista si Diether ay nauna na siyang sumabak sa pagiging dancer at naging miyembro din siya ng bandang Blow kung saan siya nakilala bilang Capt. Mongrel.

Sumikat at umaarangkada ang career ni Diether sa Showbiz noong dekada 90. Bumuhos ang proyekto sa aktor mapa telebisyon man o pelikula.

Matatandaan naman na huling nakita sa telebisyon si Diether sa teleseryeng Bagani kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte matapos gumanap bilang “Apo”.

Samantala, Maraming tagahanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba si Diether dahil matagal tagal na rin siyang hindi nasisilayan sa telebisyon. Bagama’t wala na sa mundo ng showbiz ay aktibo naman ang dating aktor sa kanyang mga social media accounts.

Kamakailan ay nagbahagi ang aktor ng mga larawan sa kanyang social media account. Makikita sa mga larawan na nakasakay ang dating aktor sa kabayo kaya naman nagtatanong ang maraming netizen kung si Diether ba ay nagmamay-ari ng maraming kabayo sa North Polo Club, sa Pulilan Bulacan.

Sa Instagram post umagaw naman sa atensyon ng mga netizen ang isang comment kung saan sinabi nito na abala daw ang dating aktor sa pagpapakain ng mga kabayo nito dahil hands on ito sa pag-aalaga.

Kapansin-pansin rin ang isang post ni Diether sa kanyang Instagram na may caption na “Buhay Pulilan Bulacan” kung saan makikita sa video na may mga kasama siyang mga lalaki, at ang mga ito ay nag-aalaga rin ng mga kabayo. Marami nga ang nagsasabing marahil raw ay natupad na ng aktor ang pangarap nitong maging isang Haciendero.

Samantala, sa mga lumabas na balita tungkol kay Diether, sumali raw ito sa Philippine Coast Guard Auxiliary at ngayon ay isa nang Lieutenant Commander ng PCGA.

Hindi lamang yan nabalita rin na ang dating aktor ay nakapagtapos ng kanyang seafarers training noong nakaraan taon lamang at ito nga ay naganap sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation Training.

Sa Kasalukuyan ang dating aktor ay 47 taong gulang na ngunit wala naman nababalita kung ito ay may karelasyon ngayon, Kung matatandaan na ikinasal noong 2004 si Diether sa aktres na si Kristine Hermosa ngunit naghiwalay taong 2009 hanggang ngayon ay wala pang napapabalita kung mayroon ng bagong kinakasama o karelasyon ang dating aktor.