VIRAL: Mga branded na gamit ni mister na “sumakabilang bahay”, ibinenta ni Misis sa live sélling!

Viral ngayon sa Social Media ang isang Misis, imbis kasi na siya ay magalit at maglabas ng sama ng loob dahil sa mister niya na sumakabilang bahay mas pinili niyang mag live selling online para ibenta ang mga gamit ng kanyang asawa.

Patok na patok naman sa mga netizens ang mga hugot ng live seller na misis habang nagbebenta.

Samantala, ang mga binebentang gamit nito ay mga branded kaya naman umabot din sa libo ang mga presyo at bidding price ng mga damit at sapatos.

Habang nag oonline selling ang misis na si Jamille Margarita Galvez nagbigay siya ng payo sa mga katulad niyang niloko rin ng asawa, ayon sa kanya dapat ay hanapin na ng misis na kagaya niya ang mga naiwang gamit ng kanilang mister at ibenta na rin kagaya ng ginawa niya.

Lalo na ngayong panahon, dahil sa pandemya mas naging aktibo ang mga Pinoy sa paggamit ng social media ito ay dahil sa lockdown at quarantine restriction kaya mas pinipili ng marami na huwag na lang lumabas at umalis ng bahay kaya para mas mabilis ang makasagap ng balita ay uso ngayon ang Internet at Social Media at dahil rin sa social media ay dumami ang nagkaroon ng pangkabuhayan dahil sa pag-oonline selling.

Samantala narito naman ang ilang hugot ni Jamille Margarita Galvez sa kanyang pag la live selling na patok na patok sa mga netizens.

“Super mura na lang, kasi di naman marunong magMAHAL ung may-ari”

“Lahat ng items MATINO pa, ung may-ari lang ung hindi”

“ORIG lahat to walang fake, di naman ako MANLOLOKO gaya nung may-ari”

“Walang LªSPAG dito, ung kabet lang nya yerrn”