Jordan National na iniwan ang trabaho sa Dubai para makasama ang Asawang Pinay at Anak, nais din siyang ipa-deport ng Asawa

Kahit na kumikita ng malaki ang isang Jordan National sa kanyang pagtatrabaho bilang accountant sa Dubai, nagawa pa rin niya itong iwan at umalis sa trabaho para makasama ang kanyang Pinay na asawa at anak dito sa Pilipinas.

Subalit laking gulat niya na ang kanyang asawa ay galit sa kanya at sa hindi niya malaman na dahilan ay gusto siya nitong ipa-deport.

Ayon kay Mark Jay Dela Torre ibinahagi niya ang kwento ni Kama Sisbro na isang Jordan National na ngayon ay nasa Davao City matapos hulihin ng immigration dahil raw sa ilegal na pagpapatakbo ng negosyo na gamit ay tourist visa.

Subalit laking gulat ng Jordan National na ang nagsumbong sa kanya ay ang kanyang 12 taong kinakasama na kanyang asawa.

Pagbabahagi ng kwento ni Kamal, noon raw na siya ay nagtatrabaho sa Dubai ng labinlimang taon (15) lagi raw siya nag papadala ng Php100,000 kada buwan sa kanyang asawa at anak na nasa Pilipinas bilang pang suporta.

Maayos naman daw ang kanyang trabaho at kabuhayan kaya naman mas pinili ni Kamal na umalis sa trabaho upang makasama ang kanyang pamilya.

Iniwan niya ang kanyang trabaho kahit na ito ay malaki ang sahod para lamang makasama ang pamilya. Nanirahan si Kamal sa Davao City kasama ang asawa at anak.

Habang hinihintay ang kanyang residence visa na pinoproseso na sa Immigration Office sa Maynila, nagpasya si Kamal na magbukas ng shawarma shop sa Roxas Night Market sa Davao para kumita ng pera para sa kanyang pamilya.

Ang tindahan ni Kamal ay talagang sumikat at nakilala sa night market, kung saan gustong-gusto ng mga lokal ang tunay na shawarma na ibinebenta niya; gayunpaman, ang kanyang asawa ay nagalit sa kanya sa pagtigil sa kanyang trabaho sa Dubai.

 

Ayon kay Kamal, sinasabi ng kanyang asawa na sinasaktan niya siya ngunit itinanggi niya ito, sinabing mahal niya ang kanyang pamilya at ayaw niyang ma-deport dahil hindi niya makikita ang kanyang mga anak kung mangyari iyon.

Narito naman ang naging pahayag ni Kamal.

 

“I just wanted to stay here in Philippines to be with my kids and supporting them,” Kamal said as he pleased for support from the community because his wife really wants to get him deported

I have been kicked out from my country because I fall in love with a Filipina and when I decided to live with my family here. I have been kicked out from my family by my wife and now I feel like I will be kicked out from all Philippines.”

Source: Mark Jay Dela Torre