Isang Pinay na ang trabaho ay tagapitas ng prutas sa Australia, kumikita ng P226k kada Buwan

Maniniwala kaba na mayroong kumikita ng halos PHP200,000 kada buwan sa pagpitas lamang ng prutas?

Iyan ang trabaho ng 23-year old na Pinay na si Mariel Larsen, siya ay apat na taon nang nakatira sa Australia siya ay nakapangasawa ng isang Australian na fruit picker doon.

Para daw makatulong sa kanyang mister, Pinasok ng pinay na si Mariel ang pagiging Fruit picker, at ngayon ay kumikita nga siya ng AU$3,000-AU$6,000 kada buwan o may katumbas sa atin na PHP113,000-PHP226,000!

“Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia,” kuwento ni Mariel sa interview ni Kara David para sa Brigada ng GMA News and Public Affairs nitong March 19, 2022.

Pagpapatuloy pa sa kwento ni Mariel, hindi raw simple ang ginagawa niya dahil malaking lagayan o bin daw ang kanyang pinupuno ng prutas.

Ang bawat lalagyan raw ng prutas ay kailangan punuin ng 300-500 kilos.

“By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo, dahil nakatayo po kayo [buong araw] and then mabigat po yung bag.”

Mayroon daw silang mga kilala at suki na farm na kanilang pinupuntahan taun-taon.

Lahad ni Mariel, “May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba’t ibang prutas na tinatrabahuan po namin.”

Kailangan nila na lumipat palagi ng tirahan dahil sa kanilang trabaho kaya naman ang pamilya ni Mariel ay gumawa ng isang camper Van.

Sa ganito raw paraan ay convenient ang pagpunta nila sa iba’t-ibangtaniman ng prutas.

“At first, parang mahirap po siya,” aniya ukol sa pagtira sa camper van.

“And I really love na parang [family] adventure kasi may anak din kami. So na-e-enjoy ko na rin siya.”

Ayon pa kay Mariel nagsusumikap at todo kayod sila ng kanyang asawa dahil gusto nilang makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

“And I really love na parang [family] adventure kasi may anak din kami. So na-e-enjoy ko na rin siya.”

“Target po namin dahil mag-five years old na po yung anak namin.”

Sa kanyang Youtube Channel na “Marielasin” ipinasilip niya ang kanyang buhay bilang isang fruit picker.

Dito inamin ni Mariel na may mga ilang siyang komento na nakikita sa social media laban sa kanya.

Ang ilan daw sa komento ay sinasabihan daw siyang asikasuhin at alagaan daw nalang nito ang kanyang anak.

Katwiran niya, “Sinasabi ko naman, hindi naman siya kailangan [trabaho], pero ako kasi, gusto ko talaga patunayan sa asawa ko na gusto ko talagang tumulong.”

Laking pasasalamat naman ni Mariel na supportive ang kanyang mister dito.

“Yung asawa ko hindi naman po siya nag-i-stop sa akin. Whatever makes me happy daw, happy din po siya.”

Source: Youtube Marielsin