Isang Sekyu niregaluhan ng bagong bike matapos makita ito na gumagamit ng pambatang bike para makapasok sa trabaho

Dahil sa pandemya lalong humirap ang buhay maraming mga taong nawalan ng hanapbuhay at maraming kumpanya na nagsara. Kaya naman walang magawa ang marami nating kababayan kundi ang magtiyaga at magsikap para mabuhay.

Lahat ay apektado ng problema dulot ng pandemya, kaya bawat isa sa atin ay kanya-kanyang hanap ng trabaho at diskarte para mairaos lamang ang pang araw-araw na pangangailangan.

Katulad na lamang ng kwento ng isang security guard na ito na matiyang nagpupursigi sa paghahanapbuhay para sa kanyang pamilya.

Siya ay si Victor de Guzman mula sa Sta. Maria Bulacan. Si Victor ay nagtatrabaho sa Norzagaray bilang isang Security Guard sa kanyang araw-araw na pagpasok sa trabaho ang kanyang tanging sasakyan na ginagamit ay ang napakaliit niyang bisikleta. Ang bisikleta raw na ito ay isang pambata kung saan talagang makikita mo na ito ay para sa mga bata.

Ibinahagi ng Sta. Maria Bulacan Police Station ang mga larawan na ito ni Victor kung saan habang papunta siyang trabaho ay nadaanan niya ang quarantine checkpoint ng Sta. Maria Bulacan Police sa Brgy. Pulong Buhangin.

Si Victor at ang kanyang kalagayan na gumagamit ng maliit na bisikleta para makapasok ay napansin ng Police Staff na si Sergeant Melvin Rogero. Tanging gamit lang ni Victor ay ang kanyang tsinelas na pang preno napag-alaman din ng Police Staff na halos 10 kilometro ang binabyahe nito para makarating lamang sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Kaya naman dahil sa taglay na kasipagan at dedikasyon na ipinapakita ni Victor ay namangha ang mga kapulisan ng Sta. Maria Bulacan Police Station. Dahil dito niregaluhan siya ng isang bagong bike ni Pssg Melvin Rogero upang makabiyahe itong maayos at ligtas na makakarating sa kanyang pinagtatrabahuan.

Labis ang pasasalamat ni Victor dahil hindi na siya mahirapan sa pagpadyak ng maliit na bisikleta para makapasok sa trabaho.

Ang ipinamalas na dedikasyon at pagsisikap na ito ni Victor sa kanyang trabaho ay nagpapatunay kung gaano niya ito pinahahalagahan.

Isang inspirasyon ang kwento na ito ni Victor , kung kaya’t ang mga kapulisan ng Sta. Maria Police Station ay saludo sa kanyang kasipagan na ginagawa ang lahat para sa pamilya.

Samantala, humanga ang mga netizen sa dedikasyon ni Victor sa kabila nito hinangaan din ng mga netizen ang mga mabubuting Pulis na tumulong kay Victor na mabigyan ito ng bagong bike.