Ginang na 57-yo, naninirahan mag-isa sa kanyang sasakyan na “mobile home” na naglalakbay sa iba’t ibang magandang lugar

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng masaya at payapang pamumuhay kaya ang iba sa atin ay may mga kasabihan na ayos lang ang walang maraming pera at ari-arian ang mahalaga ay mayroong tahimik at masayang pamumuhay.

Kung minsan nga ay iisipin mo na mas masaya pa ang mga taong mayroong simpleng pamumuhay na mayroong tunay na kapayapaan sa kanilang mga puso. Dahil bawat isa sa atin ay mayroong iba’t-ibang kahulugan ng kaligayahan at pagiging kuntento sa buhay.

Marahil ang marami sa atin ay masaya sa piling ng ating pamilya, mayroong maayos na trabaho at tirahan, mayroon din namang mga tao na masaya ring mag-isa sa buhay.

Katulad na kwento ng 57 taong gulang na ginang na ito na naninirahan nang mag-isa sa kaniyang mobile home.

Siya ay si Dolly Rubiano Villacorte na mula sa bansang Victoria, Australia. Si Victoria ay madalas magbahagi ng mga larawan ng kanyang simpleng pamumuhay.

Bagama’t walang asawa at anak na kasama ay masaya naman daw at kuntento pa rin siya sa kanyang buhay. Ayon pa sa kanya ginamit niya ang kanyang ipon upang makabili ng mobile home na kanyang ginagamit at tinitirhan.

Madalas daw siyang nagpapalipat-lipat ng mga lugar at depende sa kanyang kagustuhan. Kaya naman masasabi talagang kakaiba ang kanyang “traveling experience”.

Samantala, kung inyong makikita ay talagang napakaganda ng kanyang mobile home, dahil kahit saan niya gusto pumunta ay maaari niyang puntahan at magin ang interior design nito ay nakadepende rin sa kanyang mga hilig at kagustuhan.

Mapapansin din ang maraming halaman sa loob ng kanyang munting tahanan kung kaya naman pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay nakaka-relax na ang kanyang kapaligiran.

Sinabi rin niya na kahit sa mobile home man siya nakatira ay talagang sinisigurado niyang malinis, maayos, at organisado ang lahat ng mga gamit dito.

Para kay Victoria ang pagtira niya dito sa araw-araw na dumaraan ay marami siyang natutunan, hindi rin daw siya nauubusan ng ginagawa kung kaya naman talagang abala siya araw-araw.