Kilalanin ang dating Construction Worker na ngayon ay isa nang ganap na Milyonaryo ngayon dahil sa kanyang pagsusumikap at diskarte

Marahil pamilyar kayo sa madalas sinasabi sa atin ng ating mga magulang na tayo dapat ay mag-aral at makapagtapos ng pag-aaral dahil ito lang ang tanging maipamamana nila sa atin na hindi mananªkaw ninuman.

Ang kasabihan na yan at paniniwala ay pawang may katotohanan, subalit para sa iba na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag tapos ay tila nawawalan na ng pag-asa, subalit mayroon mga tao na hindi tumigil mangarap sa kabila ng kahirapan at hindi nakapag aral ay hindi nawalan ng pag-asa at matiyagang nagpursige sa buhay.

Tulad na lang ng istorya ng isang lalaki na ito na hindi nakatuntong ng kolehiyo o kahit ng highschool dahil sa kahirapan. Siya si Saipol Azmir Zainuddin na taga Malaysia namasukan siya bilang isang construction worker noon upang makatulong sa pamilya.

Malinaw para sa kanya na ang gusto niya at tanging pangarap niya lang sa buhay ang maging isang Farmer.

Ito ang kanyang pahayag : ” Although I dropped out of School way earlier than my friends, that didn’t break my spirit, because being a farmer has always been my dream”.

Si Azmir ay naging wais sa buhay, ang kanyang mga nakukuhang sahod ay kanyang inipon para magsimula ng sariling pagkakitaan kaya naman sa bawat kanyang sinasahod ay bumibili siya ng batang baka or Calf.

Kaya naman sa edad niya palang na 18, nakabili na siya agad ng 300 na baka at doon nagsimula na silang dalawa ng kanyang ama na magtayo ng farm.

Dahil sa kanyang patuloy na pagsisikap sa edad niyang 19 ay naging stable na agad ang kanilang buhay at may sarili na silang bahay at sasakyan.

Para naman lalo pang lumago ang kanyang Farm ay naisipan niyang magloan ng RM 100,000 sa isang Farmer Organization sa Malaysia at sa tulong rin ng iba pang Government agencies nag expand ang market ng kanyang negosyo sa buong Malaysia.

Samantala, hindi lang pagpapayaman ang ginagawa ni Azmir dahil sinisigurado rin niya na malusog at maganda ang kanyang mga alaga upang hindi magkaroon ng problema at nagampanan niya ng maayos ang kanyang pangarap na maging Farmer.

Taong 2017 kumikita na si Azmir ng RM1,000,000 na halos katumbas ng 13,000,000 dahil lang sa pagiging Farmer.

Para makatulong sa iba bukas si Azmir sa mga taong gustong matuto at may interest sa ganitong pagnenegosyo gusto niyang tulungan at turuan na maging isang successful farmer.