Isang bahay na gawa mula sa Cargo Containers, Kumuha ng atensyon dahil sa kakaibang disenyo nito sa loob

Marami sa atin ang mga nangangarap at naghahangad na magkaroon ng sariling bahay na kahit simple lamang basta’t komportable ang ating bahay at masabi natin sa ating sarili na ito ay ating pagmamay-ari.

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay kailangan ng malaking halaga kaya naman marami sa atin ang naghahanap ng paraan upang makatipid sa pagpapatayo at pagpapagawa nito.

Samantala, may isang post at kwento sa Facebook na umagaw sa atensyon ng marami ito ay ang isang Four-storey na bahay sa Houston, USA na gawa sa labing isang cargo containers na pinagpatong-patong. Ito raw kasi ang alternatibo ngayon na paraan lalong-lalo na sa US na makapagpatayo ng bahay o opisina.

Sa Facebook page na Home Junkie, ibinahagi nila dito ang ilang mga larawan na tila ordinaryong mga cargo containers lamang na mayroong iba’t-ibang kulay.

Subalit kamangha-mangha pala ang loob na disenyo ng bahay na ito. May mga unique na furniture, ilaw, may mga paintings at photo frames at mga kagamitan na artistic tignan na masasabi na magarbo talaga ang disenyo.

Sinasabi ng marami na makakatipid ang ganitong uri ng bahay at mas madaling lipatan at tirahan dahil sa kaunting oras na kinakailangan upang maayos ito at buoin ang bahay.

Samantala dahil sa mga ibinahaging larawan na ito ay maraming mga netizen ang humanga at hindi maiwasan mag komento.

“I love the whole Idea the whole thing has to be one color other than that great recyclable idea”.

“Grabe ang ganda, sana mauso rin dito yan sa ating bansa napaka-wais at tipid talaga”