Batang estudyante, nais ibenta ang kanyang medalya upang may pangkain at makatulong sa kanyang Ina

Isang Grade 4 Student ang pumukaw ng atensyon ng mga netizens dahil sa pagbebenta nito ng mga medalyang kanyang nakuhang parangal sa eskwelahan.

“Mga medals ko po. Binebenta ko po `to. Baka po may gusto. Bente-bente lang po. Salamat po.”

Iyan ang mensahe ng isang Grade 4 student na umantig sa marami, Upang magkaroon lamang ng pambili ng pagkain. Ito ang kanyang naiisip para makatulong ang ibenta ang kanyang 50 medalya.

Dahil sa krîsis na ating kinakaharap dahil sa pandémiya. Nawalan ng trabaho ang Ina ng siyam na taong gulang na bata, Nais niyang makatulong sa kanyang ina dahil ramdam umano nito ang hirap at pagod ng kanyang ina maitaguyod lamang sila kaya naman handang ibenta ni Kenneth ang kanyang medalya na nagsilbing kanyang kayamanan para lang sa kanyang Ina.

“Nahihirapan po ako` nung nahihirapan po din si mama. Iniisip ko lang po, kung makakabayad pa ba kami ng bahay kasi po,`pag hindi pa kami nag bayad, papalayasin po kami dito.

Naisip ko po , ibenta ko po yung medals ko. Kasi pag pinatagal ko pa po dun sa lagayan, baka po mangalawang.
“Pinaghirapan ko po `yun. Gusto ko po ibenta kasi po nahihirapan na si mama ng sobra”. Mensa ni Kenneth na umaantig sa marami.

Isang security guard at housekeeping ang mama ni Kenneth na si Cherryl Mendoza. Dahil sa pandemic nawalan ito ng trabaho at nabaon din sila sa utang.

Isang single parent si Cheryl, Itinaguyod niya magisa ang kanyang dalawang anak. Matapos iwan ng kanilang Ama sila Kenneth. Dahil ayaw ng gulo ni Cheryl ay pinasan niya na lahat ang responsibilidad sa kanyang mga anak.

Masakit para kay Cherryl ang mga pagkakataon na hindi niya maibigay ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak at minsan ay pati ang oras ay kulang dahil pati ang recognition nina Kenneth ay hindi siya nakaka attend dahil sa trabaho para sa kanyang dalawang anak.

Kaya ngayong darating na pasukan, Hindi pa sigurado kung makakapag-aral sila kenneth dahil online class na ang mangyayari. Mas prayoridad at inuuna ni Cherryl ang pagkain ng mga kanyang anak kaysa sa mga gadget at internet.

Dahil sa kwento na ito ni Kenneth. Marami ang mga netizens ang napukaw ng kwento ni Kenneth.

Isa diyan ang netizen na si Pinky Menor Encapas na isa ring ina:

“Ramdam ko po `yung awa sa bata kasi, nakita ko po.. nararamdaman ko po bilang isang ina. May mga anak po ako na ayan, marami po silang medals, Napakahalaga po sa kanila `yung medal. Sabi nga po ng mga anak ko, kayamanan namin ito na hindi mawawala,” emosyonal na saan ni Pinky

Upang hindi tuluyang ibenta ni Kenneth ang mga medalya, Si Pinky at ang mga kasama niya ay nagtungo kila kenneth upang maghatid ng tulong tulad ng Bigass at iba pang mga pagkain.

Bukod kay Pinky, May isang tao rin na may mabuting kalooban na nagbigay sa magkapatid ng Laptop para sa darating na pasukan.

Siya si Dr.Khristian Santos, Ayon sa kanya binigyan niya si Kenneth ng Laptop, dahil nakita niya umano ang potensyal na mayroon ang bata kaya niya ito tinulungan.

Dagdag pa diyan hindi na rin po-problemahin ni Kenneth ang pang-internet dahil ito ay sinagot na ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.

Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Kenneth at ng kanyang ina sa mga tulong na ipinaabot sa kanila. Sobra ang kasiyahan ng kanyang ina para sa kanyang mga anak.