Alagang Aso, biglang lumuha nang maramdaman na ipamimigay na siya ng kanyang Amo dahil hindi na daw ito kayang buhayin pa

Marami sa atin mga Pilipino ang mahilig mag-alaga ng mga hayop o pet. Ito kasi ang kanilang paraan para mabawasan ang problema at nakapagpapasaya sa kanilang buhay. Ang pag-aalaga raw kasi ng hayop tulad ng aso, puso, ibon, hamster at marami pang iba ay tunay raw nakakatulong para marelaks tayo.

Kung minsan nga ang mga pet ay inire-regalo ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil nakakatulong din ito sa pagiging responsable ng mga bata at itinuturing nila itong parte ng pamilya.

Samantala, ang pag-aalaga ng hayop ay hindi laging simple at masaya dahil kung minsan kinakailangan natin magsakripisyo para sa ating mga pet dahil kinakailangan rin nila ng ating pag-aalaga, atensyon, pagkalinga at siyempre ang ating pagmamahal.

Ngunit higit pa rito ay kailangan din nila ng pagkain, matitirhan, at iba pang mga pangangailangan na kailangan ng pinansyal nating kapabilidad.

Nakaraan nga lang ay mayroong isang kwento ang nagpaluha sa mga netizen, ito ay ang kwento ng isang dog owner na kailangan ipamigay ang kanyang alagang aso sa iba dahil sa hindi na niya ito kaya pang buhayin.

Isang araw, ang lalaking ito sa larawan ay pumunta sa isang tindahan na may dalang maliit na bag at kasama ang alaga nitong aso. Agad din naman itong umalis at bumalik kinabukasan.

Kinausap pala ng lalaki ang may-ari ng tindahan at napansin raw ng lalaki na mabait ang may-ari ng tindahan kaya naman nais niya sana iwanan ang kanyang aso sa pangangalaga nito.

Subalit ilang minuto lang ang nakakalipas napansin nila na ang aso ay tila naluluha na at parang nararamdaman nito na ipamimigay na siya ng kanyang amo sa iba.

Makikita rin sa mukha ng alaga nitong aso na tila nakikiusap ito na kung maaari huwag na siyang iwanan at ipagkatiwala sa iba.

Mapapansin din sa mukha ng lalaki na ayaw niyang umalis at iwanan ang kanyang alagang aso subalit wala itong ibang magagawa dahil wala na siyang trabaho at wala na rin siyang bahay na matutuluyan.

Kaya naman ayon sa lalaki ay kailangan niyang magtungo sa ibang lugar at hindi niya maaaring isama ang kanyang alaga sa lugar na iyon.

Nalungkot naman ang mga netizen sa nangyari sa lalaki at sa alaga nitong aso, hiling nalang ng marami na sana ay alagaan ng mabuti at mahalin ang aso ng bago nitong amo.