Resto Owner sa India, naka-isip ng magandang paraan para maipamigay ang mga tirang pagkain sa mga mahihirap

Sa Panahon ngayon nagkalat na sa paligid ang mga kainan tulad ng mga fastfood restaurant dahil na rin sa pagkahilig ng mga tao sa pagkain, Ngunit kung minsan ay napapaisip tayo na saan nga kaya napupunta ang mga natitirang pagkain sa mga restaurant? Tinatapon na lang kaya ito dahil kung ganoon ay nakakapang hinayang naman!

Kahit nga tayo ay nanghihinayang sa tuwing may matitira tayong mga pagkain kapag tayo ay nasa restaurant, dahil kung tutuusin ay napakaraming tao ang nagugutom sa ngayon at walang kakayahan na bumili ng kanilang pagkain kaya naman bawat butil ng kanin ay napaka halaga na sa kanila.

Samantala, Maraming mga netizen ang humanga sa isang lalaki na nagmamay-ari ng isang restaurant sa India dahil sa kanyang napakagandang ideya kung paano siya makakatulong sa mga taong walang makain sa pang araw-araw.

Kwento ng resto owner na nakilalang si Minu Paulina, Isang araw daw habang siya ay nasa labas ng kanyang resto ay nakita niya ang isang babaeng pulubi na nangangalakal at naghahanap ng pagkain sa basurahan.

Kaya naman dito niya napagtanto at naisip na imbis na itapon ang mga pagkain na natitira sa kanyang resto ay ipamahagi na lamang ito sa mga taong nagugutom.

So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash.”

Kaya naman naisipan ni Minu na ilagay sa isang refrigerator sa labas ng kanyang restaurant ang mga pagkaing natitira ng kanyang mga customer. Ang naturang refrigerator ay bukas ng 24/7 at kahit sino ay pwedeng kumuha ng libre.

Sa mga pagkain din na naka-plastic sa loob ng refrigerator ay may nakasulat at nakalagay din na petsa kung kailan ito niluto kaya naman nakasisiguro ang mga kukuha na ligtas itong kainin.

Sa isang araw ay umaabot ng 75 hanggang 80 packs na mga pagkain ang nailalagay nila kada araw.

“If you’re wasting your money, it’s your money, but you’re wasting the society’s resources. Don’t waste the resources, don’t waste the food,” Pahayag ni Minu.

Nakakahanga naman talaga ang paraan na ginawa ni Minu na ito dahil dito maraming mga taong mapapawi ang kanilang gutom kahit papaano, Saludo kami sayo sir Minu! Mabuhay ka!