Isang Labi inihatid sa huling hantungan gamit ang balsa dahil sa umaapaw na ilog dulot ng malakas na ulan

Isa sa pinakamasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Isa sa masakit din tignan na nawala na ang taong mahal mo sa buhay tapos kapos na kapos pa kayo mairaos ito sa huling hantungan.

Gaya na lamang ang nangyari sa pangyayari na ito kung saan kinaawaan ng madla dahil sa sitwasyon kung saan ihahatid sa huling hantungan ang mahal nila sa buhay.

Nagtulong-tulong ang mga residente ng Baggao, Cagayan para maihatid ang kabaong ng isang yumao sa huling hantungan nito, Hindi nila inalintana ang malakas na ulan at rumaragasang tubig sa ilog.

Ayon kay May-ann Sales apo ng yumao, Wala na daw ibang maaaring daanan kaya napilitang suungin ng kaniyang mga kamag-anak ang ilog para lang maitawid ang bangkay.

Samantala, ang labis na pag-ulan daw sa Cagayan ay dala ng northeasterly surface windflow o hangin mula sa hilagang silangan, ayon sa PAGASA.

Lahat sila ay nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanilang kaanak dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay wala daw silang magawa at napilitan silang ihatid ito sa huling hantungan gamit ang balsa.

Nagtulong-tulong ang mga kaanak ng namatayan at ilang residente para madala ang kabaong nahirapan sila dahil na rin sa sama ng panahon at walang tigil na pag ragasa ng tubig.

Naawa naman ang mga netizen sa sitwasyon ng naturang pamilya, ang ilan ay nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya.

“Condolences, we pray for you special the whole family lord protect them all in cagayan”.

“Good peoples still exist. Rest in Peace and condolence to the Family”

“Rest in Peace and condolences to the whole family, we all pray for Cagayan”