Rider, Ibinur0l na suot ang kanyang protective suit habang nakasakay sa kanyang paboritong motor

Marahil kapag narinig natin ang salitang bur0l o lamªy pumapasok agad sa ating isipan ay ang taong yumao at ang katawan nito na nakahiga sa loob ng isang kaba0ng.

Kung minsan may mga tao naman na ibinubur0l subalit wala ng katawan kundi abo na lamang dahil ito ay ikini-cremªte.

Lahat tayo ay may iba’t-ibang paniniwala at paraan kung paano ibur0l ang ating mga mahal sa buhay, nagpapakita lamang ito kung gaano natin kamahal ang taong sumakabilang buhay.

Ang iba ay bumibili ng mamahaling kaba0ng kung minsan ay ginto pa nga ang mga ito para lamang maipakita nila kung gaano ka importante at gaano nila ka mahal ang yuma0.

Samantala, kakaiba naman ang isang pamilya na mula sa bansang Puerto Rico. Usap-usapan sila dahil sa ginawa nila sa katawan ng kanilang mahal sa buhay na si David Morales Colon.

Kilala ang Marin Funeral Homes sa San Juan, Puerto Rico na gumagawa ng kakaibang klase ng pagbubur0l base sa hiling ng pamilya ng yumao.

Ang gusto raw ng pamilya ni David ay may koneksyon ang bur0l nito sa hilig sa pagmomotor.

Kaya naman ang ginawa ng funerªl ay sinuotan si David ng Protective suit at sinuotan ng salamin sa mata habang nakasakay sa paborito nitong motorsiklo na Honda CBR600.

Ang naturang motor daw na ito ni David ay regalo sa kanya ng uncle nito.

Halos tatlong araw din raw ibinurol ang katawan ni David bago ito ihatid sa huling hantungan, Si David ay 22 taong gulang pa lamang at hilig talaga nito ang pagmomotor. Ito ang piniling arrangement ng kanyang pamilya dahil alam nilang magiging masaya ito at payapa dahil hanggang sa huli ay sinuportahan ang kanyang nais.