Dating labandera ngayon ay Milyonarya: Ibinahagi ang pinagdaanan at kung paano nakamit ito step by step

Ang buhay at kapalaran ng isang tao ay parang isang gulong ng palad kung minsan ay nasa baba at kung minsan naman ay nasa taas.

Hindi nangangahulugan na kung ikaw ay mahirap ngayon ay mananatili kang mahirap ang kailangan lamang ay wag tumigil magsumikap at wag makalimot tumawag sa itaas dahil ang lahat ng iyong kasipagan at determinasyon ay masusuklian balang araw.

Katulad na lamang ng kwento ng isang 45 anyos na Ginang kung saan ikinuwento niya ang kanyang buhay. Ang naturang Ginang ay dating labandera at ngayon ay ubod na ng yaman at isa nang milyonarya.

Ang Ginang ay nakilalang si Cristel Gardoce Bulabon, ang kanyang kwento ay ipinalabas sa programang “Rated K” at dito ay napag-alaman na siya pala ay tinaguriang “Pinay Cinderella” ng Antipolo City.

Ayon sa kwento ni Cristel, bata pa lamang siya ay namulat na siya sa kahirapan kaya naman maaga siyang nagbanat ng buto para magtrabaho.

Pitong taon gulang palang siya ay nagsimula na siyang maghanapbuhay para sa kanyang mga kapatid. Nang mga panahon na yon ay nakikitira lamang sila sa kanilang tiyuhin sa Bacolod.

Ayon pa kay Cristel noon raw ay kinakailangan pa niyang mag-igib ng sampung balde para lamang makakain silang magkakapatid.

“I was actually six when they [parents] left, tapos naiwan sa akin ‘yong mga kapatid ko. Second to the eldest ako, kaya lang sa aming magkapatid ako ‘yong tumayong eldest dahil medyo weakling ‘yong brother ko”, ani ni Cristel.

Pinasok rin niya ang pagiging tindera at taga hugas ng plato sa kanilang kapitbahay sa murang edad.

Umalis sila sa poder ng kanyang Tiyuhin ng minsang maabutan niya ang kanyang bunsong kapatid, na nakatali ang leeg sa sintas ng sapatos sa dulo ng mesa.

Nakitira sila sa isang bakanteng kubo ng kanilang kapitbahay, at nang siya nga ay nagtitinda na ng mga kakanin ay kasama na niya ang kanyang bunsong kapatid.

Sinabi rin ni Cristel na muli silang binalikan ng kanilang mga magulang. At silang lahat ay dinala sa Antipolo, kung saan malapit sa dumpsite ang kanilang tinitirahan. Subalit hindi rin nagtagal ay muli silang iniwan ng kanilang magulang.

At para sila ay mabuhay ay natuto silang mamasura sa dumpsite at tumatanggap na rin siya ng mga labahin sa mga bahay-bahay, kung saan habang dala ang kanyang labahin ay halos limang kilometro ang kanyang nilalakad para lamang sa ilog na matatagpuan sa may baba ng bundok.

Nakapag-asawa si Cristel Bulabon ng siya ay 18-taong gulang, kung saan dahil sa pagiging bayolente ng kanyang napangasawa ay nakaranas siya ng pisikal at sekswal na pang-aabüsø.

Maliban pa dito, maging ang kanilang naging anak ay nagawa ring saktan nito sa pamamagitan ng paglunod dito, kaya naman upang protektahan ang anak ay napalø niya ng bote sa ulø ang kanyang bayølénteng mister.

At ang nakalunøs-lunøs pang sinapit ni Cristel ng siya ay nagtangkang tumakas sa mapang-abusøng mister kasama ang kanyang mga anak ay naabutan sila ng mga kamag-anak nito at dito na siya walang-awa na pinagbubugbog ng mga ito.

“Lumabas ako ng bahay namin, hindi ko alam kung ako pa ba ‘yon. Wåsåk ‘yüng mukha, may mga peklat ako rito and you can still see the scars.”

Sa pagiging desperada ni Cristel na makaraos sa hirap ay pinasok niya ang trabaho bilang GRO, at dito niya nakilala ang taong nagpabago sa kanyang pamumuhay.

Si Cristel ay nag apply sa isang kumpanya bilang isang telephone operator at hindi nagtagal siya ay napunta sa sales.

Kwento pa ni Cristel, siya rin ay nakapag-abroad at ng makabalik sa bansa ay nagsimula na siyang magnegosyo nagtayo raw siya ng computer shop, karinderya at ng isang driving company.

At nang maka-ipon ng sapat na pera ay dito na siya nag franchise ng food cart at dito mas lalong nagbago ang estado ng pamumuhay ni Cristel.

Dahil sa pagsisikap at determinasyon sa buhay ay nagbago ang kapalaran ni Cristel.

Magmula nga sa pagiging labandera ay nagmamay-ari na siya ngayon ng isang dampa na restaurant sa Antipolo at ang food cart business niya ay labing dalawa na. Maliban pa sa mga ito ay nagmamay-ari na rin siya ng bar at resto.

“I never beg. Never akong namalimos. Kasi malakas naman ang katawan ko at maraming resources ang paligid natin. So, why not work?”, ani ng ani Cristel Bulabon.

Sa kasalukuyan ang buhay ni Cristel ay malayong malayo na sa kanyang kinagisnan, kung noon ay nakikitira lamang sila, ngayon ay mayroon na siyang sariling bahay at mga mamahaling sasakyan.

Samantala, ibinahagi rin ni Cristel na kumikita siya ng kalahating milyon kada buwan. At kahit na napakalaki na ng nagbago sa estado ng kanyang buhay nanatili siyang mapagkumbaba at tumutulong sa mga taong labis na nangangailangan.