Isang babae nalungkot sa kanyang inihandang “Friends Giving” matapos walang dumalo sa kanyang mga kaibigan

Nakakalungkot ang sinapit ng isang babae na naghanda at gumugol ng maraming oras sa paghahanda para sa isang “friends giving event” para sa kanyang mga kaibigan, subalit sa kasamaang palad ay kahit isa sa kanyang mga kaibigan ay walang sumipot at dumalo dito.

Ayon sa netizen na si Christian Zamora na boyfriend ni Maryan na siyang nagplano ng Thanks giving day para sa mga kaibigan nito, ginawa daw lahat ni Maryan para matuwa sana ang mga kaibigan nito subalit laking dismaya daw ng kanyang kasintahan na kahit isa sa mga kaibigan niya ay walang dumalo.

Sa isang TikTok video na ngayon ay pumapalo na ng milyong-milyon view marami sa mga netizen ang nalungkot dahil sa nangyari kay Maryan, ipinaliwanag ni Christian na ang kanyang kasintahan ay gumugol ng maraming oras sa paghahanda para sa mga kaibigan nito.

Ilang linggo pa siyang nagdedekorasyon sa kanilang basement para sa espesyal na kaganapan. Syempre, malaki rin ang ginastos ng dalaga para makabili ng mga sangkap ng pagkain na gusto niyang ihanda para sa kanyang mga kaibigan, dagdag pa ang dekorasyong idinagdag niya para lumiwanag ang kanilang lugar.

Ibinuhos niya ang kanyang oras at lakas sa okasyon na ito, masayang nagluluto para sa kanyang mga kaibigan. Ngunit walang sinuman sa kanila ang nagpakita o sabihin man lang sa kanya na hindi talaga sila darating.

Ipinaliwanag ni Christian na dalawang linggo na itong pinaplano ni Maryan at ng kanyang mga kaibigan, kaya nagulat siya nang dumating ang araw na walang dumating kahit isa sa mga ito.

“But the day came and no one was answering the group chat. No one was texting or calling, but in her mind, she thought everyone was running late. When it hit the three hour mark, she was like, ‘Yeah no one’s gonna come,” – ayon kay Christian.

At bilang supportive boyfriend, pumunta siya sa bahay nito para pasayahin siya – at tinawagan ang mga kaibigan niya na masayang pumunta sa bahay ni Maryan para ipagdiwang ang ‘friendsgiving day’ kasama niya.

“Obviously I cut that friend group off. But it was a great night, his friends and his brother showed up. We had a great time,”

“They brought drinks and stuff, it was a fun night. I was disappointed at the time but it turned out to be a really good night.” – pahayag ni Mayan.

NARITO NAMAN ANG NATURANG VIDEO NA MULA SA TIKTOK NI MARYAN AT NI CHRISTIAN :

@kidalloy

#answer to @spidermark790 😭

♬ original sound – KIDALLOY