Isang ina, nagbigay ng babala sa mga magulang na mahilig paglaruin ang kanilang mga anak sa Playhouse ng Mall

Bilang isang mga magulang, ang nais lang natin ay laging maging masaya ang ating mga anak kaya naman kung minsan na tayo ay mayroong oras at pera ating ipinapasyal ang ating mga anak sa mga lugar kung saan maaari itong makapaglaro.

Samantala, bukod sa mga pampublikong palaruan ay nauso rin sa panahon ngayon ang mga playhouse na karaniwan ay nakikita sa mga mall kung saan nakakapaglaro ang mga bata kasama ang ibang bata.

Maraming mga magulang ang kampanteng paglaruin ang kanilang mga anak sa playhouse dahil mas ligtas ito kasi nasa loob ng mall at may mga tagabantay. Ngunit paano kung ang inaakala mong ligtas na palaruan para sa iyong anak ay magdadala pala ng sakit sa kanya?

Halimbawa na lang ay ang isang post na naging viral ngayon sa Facebook, ibinahagi ni Sara Jane Calma ang kanyang naging karanasan at ng kanyang anak sa playhouse.

Nagbigay babala siya sa mga kapwa niya magulang na maging maingat sa pagdadala at pagpapalaro ng mga anak sa playhouse dahil hindi ito ganun kaligtas katulad ng inaakala ng marami.

Ayon pa kay Sara Jane ang kanilang pagpunta sa mga playhouse ay napapadalas tulad ng iPlay, Kidzoona, LilGiants at iba pa. Bilang isang Ina raw at magulang ay gusto niya na laging masaya ang kanyang anak.

Mahalaga raw kasi sa mga bata na nakakaranas sila ng ibang bagay at nakakapunta sa ibang lugar dahil nakakatulong daw ito sa kanilang pag-develop.

Subalit isang araw matapos niyang dalhin ang kanyang anak sa play house ay nagkaroon ito ng mataas na lagnat na umabot sa 39.6C.

Kaya naman agad na alarma si Sara Jane at kanyang dinala ang anak sa isang pedia at nalaman nilang sobrang dami raw ng singaw ng bata na naging sanhi ng kanyang lågnåt.

Bukod sa lagnat ay posible rin daw nakuha ng bata ang Hand, Foot and Mouth Disease sa paglalaro nito sa playhouses.

Subalit kailangan pang obserbahan ang bata dahil ang sintomas raw ng HFMD ay singaw at rashes sa kamay at paa.

“Yung rashes daw, yung parang sa bulutong, yung may lamang tubig. Kampante na kami kasi gabi na, wala pa din siyang rashes,” saad ni Sara Jane Calma.

Samantala, kinabukasan matapos dalhin sa pedia ay nakita ni Sara Jane na puro rashes na ang kanyang anak at dito nakumpirma na HFMD nga ang sakit nito.

Bumalik naman agad sina Sara Jane sa pedia ng anak ngunit wala raw umanong gamot ang HFMD. Ang sabi lamang ng pedia sa kanya ay kusa raw itong mawawala. Niresetahan naman siya ng kontra sa mga pangangati.

Basahin ang buong post ni Calma sa ibaba:

️ATTENTION TO ALL PARENTS OUT THER️

Share ko lang naging experience namin ni Rischa. Recently kasi, napapadalas sya sa playhouse. Yung gaya ng iplay, kidzoona, lilgiants, etc. So ayun nga. Last Monday, nagka high fever sya. Her highest temp is 39.6C. Bumababa naman tapos tataas ulit, pero hindi na mas mababa pa sa 37.5C.

So the next day, dinala ko agad sya sa pedia nya. We found out na sobrang dami nyang singaw sa lalamunan, which causes her high fever. Di daw tonsilitis, kundi singaw.. sabi ng pedia nya, possible na HAND, FOOT and MOUTH DI$éASE daw pero malamang daw na hindi since 2nd day na ng févér nya pero wala pa din visible na rashes o spots.

Symptoms daw kasi ng HFMD ay singaw, saka rashes sa kamay at paa. Yung rashes daw, yung parang sa bulutong, yung may lamang tubig. Kampante na kami kasi gabi na, wala pa dn syang rashés. E sabi nga, sa 2nd day daw yun lumalabas. Bumaba na din temp nya.

Wala na syang lagnat nun. Tapos kahapon, nung gsing namin, ayun na.. biglang dami ng butol butol nya sa katawan. HFMD nga. wala daw meds pra dun, kusa lang na nawawala. Nakakaawa lang kasi di sya makatulog ng ayos, makati kasi yon. Kamot sya ng kamot, taz iyak ng iyak pag pinipigilan ko magkamot.

What im trying to say here is, talamak daw ngayon yung HFMD. Better na mag stay at home na lang muna ang mga kids, o kaya, refrain from letting them play sa mga playhouse kasi di naman natin alam kung lahat ba ng batang naglaro dun ay walang sakit na nakakahawa. Saka ugaliing mag wash ng hands.

Wala daw meds for this. Kusa lang daw mawawala. Anti-itch lang nireseta sa kanya. Buti nga at hindi ganun kalalang case ng HFMD yung napunta sakanya. Kasi kung hindi, lalo nang nakakahagas.

Kahit anong iwas talaga sa sakit, kung mahahawa ka, dadapuan at dadapuan ka talaga

EDIT: Maraming nagco-comment na ilipat ko daw ng pedia kasi imposible daw na walang gamot para dito. Ilang doktor na po ang napagtanungan ko, wala talagang gamot. At nasabi ko na din po sa upper part ng post ko na ANTI-ITCH lang ang gamot na nirereseta. Antibiotics kung may singaw.

That’s it. Pero for HFMD mismo, wala talaga. May mga nagcocomment din na BULUTøNG daw ito. Hindi po. Dahil ang bulutong, sa buong katawan yun at walang singaw sa bibig. Ito pong sa baby ko, sa paa at kamay lng may butol, plus yun ngang singaw nya sa lalamunan.

PS. Okay na po si Rischa. Tuyo na mga rashes nya at di na din bumalik lågnåt nya. Thank you po.

EDIT (07.03.19): so ayun nga. May nagcomment dito sa post ko na sinisisi ako sa nangyari sa anak ko. Yes, partly, kasalanan ko. Ako nagdala sa kanya don e. Pero bilang nanay, i just want my kid to have fun. Walang may gusto nito.

Nakakasama lang ng loob dahil pinost ko lang naman to dahil gusto kong maging aware yung mga katulad kong magulang na. I dont need comments saying na kasalanan ko to, specially coming from somebody na wala namang anak. Ineng, di mo alam ang pakiramdam ng isang ina. So i dont need you unsolicited advice. Thank you.”