Magkapatid na sabay na nagbuntis at nanganak ng kambal sa iisang lalaki, usap-usapan sa kanilang istorya!

Marahil ang pagkakaroon ng pinagbubüntis na kambal ng mga kababaihan ay bihira lamang, Kung minsan ay nasa kanilang mga lahi dahil ito ay nakukuha daw sa “génés”.

Siguro nga ay mahirap magkaroon ng dalawang anak na magkasabay iluwal pero di hamak naman na kaligayahan para sa mag-asawa ang magkaroon ng kambal.

Samantala, Kung ikaw naman ay hindi hirap sa pera at marami ka nito katulad ni Joel Cruz na mayroon ng ilang pares ng kambal ay posible na ito ay mangyari ngunit para sa atin na normal na mamamayan lamang ay malaking biyaya ang mangyari ito sa atin.

Subalit, kamakailan ay naging matunog ang usapin sa social media tungkol sa magkapatid na parehong buntis at parehong kambal, sila ay mula sa Ohio, USA.

Marami ang nagulat at hindi makapaniwala sa ganitong pangyayari at dinagdagan pa ng malamang ang ama ng mga kambal ay iisa lang pala na lalaki.

Ayon sa kwento, sinubukan raw ni Anne at ng kanyang asawa ang ibat-ibang paraan dahil sa limang taon nilang pagiging kasal ay hindi pa rin sila magkaroon ng anak.

Matagal na raw na gusto ni Anne na maging isang Ina ngunit dahil sa hindi magandang kondisyon ng katawan nito ay palagi raw naudlot ang kanyang pagbubuntis na naging dahilan upang mawalan siya ng pag-asa na mabuntis.

Napansin ni Chris ang sitwasyon ng kanyang kapatid at ng asawa nito kaya sobra siyang naging alala, kaya naman kinausap niya ito na maaaring siya na lang ang mabuntis para sa kanyang kapatid. “I can pregnant for you, ani ni Chris. Dahil sa narinig niyang balita, nabuhay ulit ng loob si Anne na subukan ulit ito.

Sila ay sumailalim sa isang operasyon, nilagyan ng doktor ang mga egg cell ni Anne ng semilya ng kanyang asawa para makabuo ng isang embryo at nilagay niya ito sa katawan ng magkapatid na babae. Sa wakas, parehas na nabuntis ang magkapatid na sina Chris at Anne, hindi lang iyon dahil silang dalawa ay nagdadalang tao ng kambal.

Sa paglaki ng sanggol sa kanyang sinapupunan, naisipan nilang manganak sa parehong araw. Sa kabutihang palad, nanganak si Chris ng dalawang lalaki at si Anne na may nagbigay buhay sa dalawang babae.

Matagal nang hiling ni Anne na maging isang ina, kaya naman ngayon, apat na bata na ang kanyang aalagaan at matatawag na anak. Sa wakas, natupad na rin ang kanyang pangarap na maging ina. Sobra ang kasiyahan ni Anne at sobra rin ang kanyang pasasalamat sa kaniyang kapatid.

Source: Rachfeed