Isang Lolang na-str0ke at nag-iisa na lang na namumuhay, nanawagan na tulungan siya ng kanyang pitong anak

Sa bawat na panahon na dumadaan ay hindi natin namamalayan na ang ating mga magulang ay patuloy na tumatanda at nagkaka-edad kung saan masasabi natin na kakaunti na lamang ang kanilang panahon na sila ay ating makakasama.

Kaya naman habang naririto pa sila na kasama natin ay dapat natin sila alagaan at pahalagahan kaysa magsisi tayo sa huli kapag wala na sila. Gaya na lamang ang sinapit ng isang lola kung saan mag-isa na lang namumuhay matapos iwan ng kanyang pitong anak dahil may mga pamilya na ito.

Kaawa-awa ang sitwasyon ng isang 61-anyos na Lola na mula sa Binao-Bao Tabucan Dumangas Iloilo, mag-isa na lamang siya kasing namumuhay at halos labing anim na taon siya umanong nakahiga lamang.

Nakilala ang Lola na si Maria Mina Delapina Fernandez , siya raw ay mag-isang nakatira sa maliit na barong-barong.

Mabilis na kumalat at nagviral ang mga larawan at kwento ni Lola Maria sa social media matapos maantig ang puso at maawa ang mga netizen sa kanyang kalagayan.

Ayon sa kwento, kahit raw pito ang anak ni Lola Maria ay wala siyang nakakasama ni-isa man lang sa kanila.

Sa Facebook Live na ibinahagi ng Zarraga News Live Station, emosyonal na nagbigay ng mensahe si Lola Maria , Hiling ni Lola na sana raw ay mabigyan siya ng tulong at kahit higaan lang para maayos ang kanyang paghiga.

Samantala, Matapos mag-viral ng kwento ni Lola Maria, bumuhos ang tulong at donasyon sa kanya.

Narito sa baba ang ilang mga larawan na ibinahagi ng Zarraga News Live Station.

Source: Zarraga News Live Station