Sampung taong gulang na batang lalaki, iniligtas ang mga hayop sa hagupit ng baha at bagyo sa kanilang lugar

Kung iisipin ay mas masarap talagang mamuhay ng simple at ordinaryo, subalit hindi naman mawawala kung minsan ay darating pa rin ang mga pagsubok at problema sa atin.

Katulad ng mga sakunª at kalªmidªd mga bagay at pangyayari na yan na hindi natin inaasahan, Nakakalungkot lang at nakakapanlumo ang makaranas ng ganitong pangyayari lalo na sa mga lugar na talagang mahirap ang pamumuhay.

Dito kasi sa mundong ibabaw may iba’t-iba tayong estado ng buhay hindi naman lahat sa atin ay maswerte na naging mayaman at masagana ang buhay, subalit kahit ang ilan ay mahirap ang pamumuhay nagagawa pa rin talaga natin ang makatulong sa ibang tao o maging sa mga hayºp.

Tulad na lamang ng batang ito mula sa Mexico. Marami ang humanga at bumilib sa kaniya dahil hindi naging hadlang ang bagyºng Willa na nanalanta sa kanilang bayan upang siya ay panghinaan ng loob at hindi tumulong sa kanyang kapwa.

Walang mag-aakala na ang batang ito sa edad na sampung taong gulang ay sasagipin ang mga kawawang hayop na apektado ng baha sa kanilang komunidad. Tinatayang ang naturang bagyong Willa sa kanila ay isa sa pinakamalakas na bagyo sa kanilang kasaysayan.

Hindi maipinta ang matinding pinsala na dala ng naturang bagyo ilang araw din ang pagbaha, kaya naman maraming residente ang naapektuhan at mga bahay na nasira.

Samantala, kung ang nakikita natin sa ibang mga binabaha ay mas inililigtas ang mga gamit nila ang batang si Jostyn Dilan Cabrera Ramirez ay mas inunang isalba ang mga hayop. Ilan sa kanyang mga nailigtas na hayop at naisakay sa batya ay ang anim na aso at dalawang manok.

Ang kanyang mga kapitbahay ay nasaksihan at nakita ang kanyang ginawang kabayanihan, kung kaya naman nais din nilang makatulong kahit papaano.

Ang ilang kapitbahay ay nagbigay ng pagkain para sa mga hayop at mayroon din naman iilan na nagbigay ng ilang mga gamit o damit upang mapunasan at maging komportable ang mga ito.

Patunay ang batang si Jostyn na hindi mahalaga ang edad at estado sa buhay, dahil kung nais mong tumulong ay nasa iyong intensyon ito bilang isang indibidwal.