Single Mom na hindi nabibigyan ng sustento, pinalago ang natitirang pera na P3,500 na ngayon ay isa ng Milyonaryo

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang isang online seller at single mom na si Vannerie Picar na ang kanyang pera noon na P3,500 ay aabot ng halos Php 3 million ng dahil sa pagtitinda niya ng mga skin care products.

Ayon sa kwento ni Vannerie, taong 2018 daw ay nagresign siya sa pagtuturo dahil naging maselan siya sa pagbubuntis at munti pang malagay ang kanyang buhay sa panganib dahil sa dinadalang sanggol.

Ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Vannerie ay hindi naging maganda lalo na ng nalaman niya na may ibang babae ang ama ng kanyang dinadala.

Dahil sa pangyayaring iyon ay kinailangan ni Vannerie na magsumikap at dumiskarte para masuportahan ng mag-isa ang anak at i-angat ang imahe ng mga kagaya niyang single mom.

Maraming trabahong pinasukan si Vannerie, maging ang pagiging call center agent ay pinasok niya ngunit hindi naging sapat ang sahod na ito para sa lahat ng gastusin nilang mag-ina.

Dito na pumasok sa isipan ni Vannerie na pasukin ang pagnenegosyo at gamitin ang huling P3,500 na natitira sa kanilang pera.

“Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”

“After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

Kapareho ng marami hindi naging madali ang umpisa sa pagpasok sa negosyo ni Vannerie.

Dumating rin sa punto na gusto na raw sumuko ni Vanneri at tumigil na lamang sa pagbebenta ng mga gamit pampaganda sa online. Hanggang sa isang araw ay may naisip itong magandang ideya.

Sa pagkakataon daw na ito ginamit mismo ni Vannerie ang kanyang mga paninda at ipinakita sa mga tao ang magandang resulta nito sa kanyang kutis.

At simula noon ay naging maganda ang pasok ng customer kay Vannerie at ito tinangkilik ng marami ang kanyang beauty products.

Ayon kay Vannerie ang buong benta niya ay umabot na ng mahigit 3 milyong piso na talagang napakalaki kung iyong iisipin.

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.”

“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak.”