Isang Netizen, nagpapasalamat sa tulong ng “Twitter Magic” dahil dito nahanap niya ang kanyang kapatid na limang taon nang nawawala

Marahil marami tayong nababalitaan at naririnig na sa tulong ng social media ay maraming tao ang natutulungan, katulad na lang ng paghanap sa mga mahal natin sa buhay na maraming taon nang nawawala.

Ang kagandahan sa social media ang mga netizen ay laging handang tumulong pagdating sa muling pagsasama-sama ng mga pamilya, kahit na hindi nila personal na kilala ang taong humihingi ng tulong.

Katulad ng kwentong ito na kamakailan ay naging viral ang balitang ito na kung paano ginamit ng isang babaeng Indonesian ang Twitter para hanapin ang kanyang kapatid na matagal nang nawala.

Ang mga netizen ay naantig sa kwento na ito, sinubaybayan ng lahat ang madamdamin na pagkikita ng dalawang magkapatid na halos limang taong nawalay sa isa’t-isa.

Nagsimula ang nakakaantig na kwento nang ibahagi ng Twitter user na si Nathan ang mga larawan ng kanyang kapatid na si Yehezkiel (Eskil) na ilang taon nang nawawala.

Ayon sa World of Buzz, ibinahagi ni Nathan na ang kanyang kapatid ay humigit-kumulang 13 o 14 taong gulang at may kapansanan ito sa pagsasalita.

“TWITTER PLEASE DO YOUR MAGIC! I am trying to find my brother who has been missing for several years. The last time he was home was around 2015 to 2016. We’ve tried looking everywhere and have even reported it to the police but have not gotten any results.”

“If anyone has seen him or knows his whereabouts please do message me,” -dagdag pa nito

Binanggit din ni Nathan sa ibang tweets na umalis ng bahay ang kanyang kapatid para pumunta sa tindahan at hindi na ito nakabalik.

Dagdag pa ni Nathan, pumunta rin daw ang kanyang kapatid na si Yehezkiel sa kanilang Nanay para humingi ng pera subalit hindi na ito nakabalik pa.

Ang mga magulang nina Nathan at Yehezkiel ay nagdiborsyo noong panahong iyon dahil nagkaroon sila ng hindi magandang relasyon. Maging ang relasyon ni Nathan sa kanyang mga magulang ay hindi maganda.

Bagama’t hindi maipaliwanag nang malinaw ang dahilan ng kanyang pagkawala, maraming tao ang nag-isip na may kinalaman ito sa mahirap na sitwasyon sa pagitan ng kanyang mga magulang.

Samantala, nagulat ang lahat ng may nagpost ng isang netizen na mga larawan ni Yehezkiel sa social media.

Tanong ng isang user na nag-post ng larawan ng isang batang lalaki na kamukha ni Yehezkiel “Are you looking for him? Has he found the one?”

Hindi makapaniwala si Nathan sa kanyang nakita, subalit laking pasasalamat niya dahil muli niyang makikita ang kanyang kapatid na si Yehezkiel.

“Yes, this is Yeskil, my brother,” sagot niya sa post ng concerned citizen.

Sa wakas, muling nagkita ang magkapatid habang umiiyak na yakap ni Nathan ang matagal nang nawawalang kapatid.

Ibinahagi niya ang isang larawan ng kanilang muling pagsasama habang sinusundo niya ang kanyang kapatid mula sa isang ampunan.

Ang muling pagkikita ni Nathan at Yehezkiel makalipas ang limang taon ay hinangaan ng mga netizen sa twitter ang karamihan sa kanila ay naging emosyonal sa pagkikita ng dalawa.

Samantala ang pagkikita ng magkapatid ay Tinawag ng ilang mga tao na isang himala at nagpasalamat sa tulong ng “Twitter Magic”.

Source: World Of Buzz, Rachfeed