Misis iniluto ang mamahaling Arowana na alaga ng kanyang Mister matapos hindi nito linisin ang “Aquarium Tank”

Isa ka ba sa mga taong nag-aalaga ng mga hayop sa inyong mga bahay? Sa kasalukuyan marami ang naeengganyo na mag-alaga ng hayop ito ay dahil nasisiyahan sila sa pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop.

Ilan sa mga pangkaraniwang alaga sa bahay ay ang mga aso at pusa, mayroon din naman na nawiwili at naeengganyo mag-alaga ng isda at kung minsan nga ay hindi lang basta ordinaryong isda.

Ang pag-aalaga ng isda ay hindi talaga biro dahil maaaring ito ay may kamahalan o magastos, lalo na kung ang plano mong alagaan ay may mga lahi tulad ng koi o Arowana.

Sa katunayan, ang platinum arowana ay isa sa mga pinakamahal na lahi – nagkakahalaga ng hanggang $430,000 bawat isda!

Kaya naman ano kaya ang magiging reaksyon mo kung maririnig mo na ang mamahaling alagang isda ay basta na lang mawawala sayo?

Katulad na lang ng kwentong ito, Isang misis na galit na galit ang nagluto ng mamahaling Arowana na alaga ng kanyang asawa, Ito ay dahil sa hindi nito paglilinis ng tangke ng kulungan nito sa kabila ng paulit-ulit nitong pagpapaalala na linisin.

Siya si Mia Kurniawan na mula sa Indonesia, ayon sa kanya Siya ay nagalit sa kanyang asawa tungkol sa paglilinis ng kanyang tangke ng isda dahil hindi niya gusto ang maruming hitsura nito.

Dagdag pa ni Mia, kung mahal daw ang mga ito at mahalaga sa kanyang asawa bakit daw hindi nito magawang linisin ang tangke nito, Kaya naman dahil sa kanyang galit ay nagawa niya ito.

Nung una ay hindi pa raw talaga niya niluluto ang isda, Sinubukan muna raw niyang linisin ang tangke ng isda para maging maganda ito.

Subalit katulad ng maraming isda, ang arowana ay hindi sanay sa ordinaryong tubig, Hindi ito alam ni Mia ng linisin niya ang tank kaya naman hindi niya alam na may masamang mangyayari sa Arowana.

Bagama’t ginawa niya ito nang may mabuting hangarin, nanghina ang arowana pagkatapos niyang linisin ang tangke nito. Kaya naman wala ng nagawa pa si Mia niluto niya lang ang isda dahil wala na itong buhay.

Galit na galit naman ang mga netizen sa ginawa ni Mia, subalit para sa kanyang asawa ay mas mahalaga ang kanilang samahan kaya naman maghahanap na lang daw siya ng bagong arowana.

Sana lang ay linisin niya ang tangke sa pagkakataong ito – o baka mapunta ito sa parehong kapalaran ng kawawang isda na ito.

Misis Iniluto ang mamahaling Arowana na Alaga ng kanyang Mster, Ito ay matapos hindi nito Linisin ang “Aquarium Tank”

@miakurniawan01

goreng arwana😁#fyp

♬ Singkong & Keju Cover – akhmal.dniel