Ukay-Ukay online seller, biglang tumigil sa pagbebenta dahil sa pulang polo shirt kung saan kinalibutan ang mga viewers

Naging mabili na naman ang negosyo ng pag uukay- ukay dahil mas nagiging praktikal na ang mga tao sa pamimili. Sipag, tiyaga, pasensya at swertihan ang labanan upang ikaw ay makatagpo ng magaganda at branded na kagamitan na mayroong murang halaga.

Sa kabilang banda, isa sa mga dahilan ng bagsak presyong damit sa ukay- ukay ay dahil ang mga ito ay pinaglumaan o kaya ay gamit na. Gayun pa man, madami ang yumayaman at umaasenso sa ganitong klase ng negosyo.

Samantala, nakakatindig balahibo ang naging karanasan ng ukay- ukay seller na si Lez na ibinahagi ng Spookify ang naging kwento ng kaniyang negosyo.

Nagsimula ang negosyo ni Lez taong 2019 pa at masasabi niyang malakas nga ang kita dito lalo na at ginagamit niya ang social media sa pagbebenta. Nauso daw kasi noon ang live selling na kung saan manonood ang mga customers at mag-co-comment kung sakaling natipuhan nila ang mga produktong iyong ibinebenta

Ngunit doon din nagsimula ang lahat ng misteryo patungkol sa isang pulang polo shirt. Hawak niya daw ang damit na iyon na ipinapakita sa mga viewers at may nagkomento na ang cute daw ng batang nasa likod. Labis siyang nagtaka sapagkat siya lang mag- isa ang naroroon. Saglit niyang tiningnan ang kaniyang bahay dahil baka mayroong nakapasok ng hindi niya namamalayan.

Nang makita niyang wala naman, bumalik siya sa kaniyang live selling at mayroon nang nag “mine” sa pulang polo shirt. Agad naman niyang iniayos ang lahat ng package na ipapadala niya sa mga buyers. Tatlong araw ang nakalipas nang makarecieve siya ng message mula sa isang customer na sinabing mali daw ang damit na kaniyang natanggap.

Inisip ni Lez nab aka siya ay nililinlang lamang ng babae pagkat nag iisa lang ang pulang polo shirt na iyon at mainam niyang sinigurado na tama ang orders. Humingi na lang siya ng tawad at sinubukang hanapin ang pulang polo shirt sa kaniyang mga ibinebenta

Noong gabi dawn a iyon, nakapatay na ang mga ilaw at nakahiga na siya sa kaniyang kama habang nag se-cellphone, magtatalukbong daw sana siya ngunit nagulat siya nang ang pulang polo shirt ang kaniyang nahawakan.

Sa labis na pagkataranta ni Lez ay agad niyang ihinihagis ang pulang polo shirt sa labas ng kaniyang kwarto at iniwang bukas ang mga ilaw.

“Mga isang oras nakalipas tipong napapapikit na ko, Bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sa takot ko sinilip ko lang sa baba ng pinto kung sino yon. Wala kasi ako kasama noong panahon na yon. Pagkita ko yung pulang damit parang nagsasayaw, parang nililipad ng hangin. Kita ko yung anino at dulo ng damit”

Nakita niya daw ang batang tinutukoy ng kaniyang viewers sa online selling nang naglakas loob siyang buksan ang pinto upang tingnan ang kaganapan. Takot na takot siyang nang biglang magsalita ang bata at tinanong kung bakit ibinebenta niya ang damit na bigay ng kaniyang ina sa araw ng kaniyang kaarawan na siya ding araw ng kaniyang aksidente.

Dahil sa takot ay nawalan ng malay si Lez at nagising na lang sa harap ng kaniyang pinto. Dali dali siyang bumangon at nakita ang pulang polo shirt ay naging puti na. Marahil dahil tuluyan nang sumakabilang buhay ang batang nasabi. Ang pula sa polo shirt ay malamang ang dugo ng bata nang siya ay naaksidente at binawian ng buhay.

Inilagay daw ni Lez ang damit sa kahon, ipinagdasal at binigyan ng maayos na libing. Nagdsisyon din siyang itigil ang pagbebenta ng ukay ukay sapagkat hindi niya naman talaga alam kung saan at kanino ito nanggaling.