Isang babae nanalo sa Mega L0tt0 ng P62.7 Million, mga numerong tinayaan kanya raw napanaginipan

Mayroon na naman isang maswerteng mananaya ng Mega Lotto na mula sa Baguio City ang nanalo ng mahigit P62.7 Million jackpot prize noong Pebrero 18, 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isang babae raw ang nanalo ayon pa rito napanaginipan daw niya ang mga numero na kaynang tinayaan 04-06-16-29-30-31.

Sabi-sabi nga ng marami kapag nanaginip ng mga numero at kung ito ay iyong matatandaan, dapat itaya mo ito sa Lotto dahil maaaring ito ang swerte mo.

Ayon sa babaeng nanalo, 18 taon na daw siyang tumataya sa Lotto at baka sakaling isang araw ay palarin na manalo ng Jackpot Prize.

Nang tanungin kung ano ang kanyang plano sa perang napanalunan, pahayag niya; “Mag-i-invest ako sa isang maliit na property,”

Sinabi rin niya na ang iba niyang mapapanalunan ay ibabahagi niya sa iba lalo na sa mga mahihirap.

Buwan naman noong Enero kung matatandaan ay isang lolo na taga Leyte ang naging instant milyonaryo matapos manalo sa lotto na P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

Hinulaan lang daw ni Lolo ang Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46.

Sinabi rin ni Lolo na araw-araw siyang tumataya ng lotto ng halos 16 na taon. Ang kanyang napanalunan naman daw ay gagamitin niya para makabili ng mga ari-arian.

Mag-iinvest rin daw si Lolo ng sarili niyang negosyo at Lotto Outlet. Kamakailan naman ay inulat ng PCSO na tatlo sa mga tumama sa mga lotto draw ay hindi pa nakukuha ang kanilang premyo hanggang ngayon na may kabuuang P98 milyon sa magkakahiwalay na draw.

Ang dalawa sa mga nanalo na ito ay noon pang Hulyo 2021, kaya naman nanawagan ang ahensya na kunin na ito ng mga bettors hanggang Hulyo 26, 2022.

Samantala, nanawagan naman si Arnel Casa, PCSO Officer-in-charge general manager at Assistant Manager ng Management Services Sector na hindi maaaring i-claim ang premyo kung nawala ang winning tickets.