Isang Child Artist, iginuhit ang mukha ni Hesus matapos niya itong mapanaginipan at hindi makalimutan ang napakagandang mukha nito

Ayon sa mga laging sinasabi sa atin ng matatanda at mga namumuno sa ating sekta, sa pamamagitan daw ng bibliya ang isa sa mga paraan upang makausap natin ang Diyos at maliban dito ang isa pa sa mga napatunayan upang makita at makausap ang Diyos ay sa pamamagitan ng ating panaginip.

Totoo nga kaya ang mga ito? Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang isang karanasan ng bata na diumano ay nakita niya at nakausap ang Panginoong Hesus sa kanyang panaginip.

Siya si Akiane Kramarik ang itinuturing na “Child Prodigy”, sa kanyang edad na tatlong taong gulang ay talagang kamangha-mangha ang kanyang talento sa pagguhit.

Minsan na rin siya naitampok sa “The Oprah Winfrey Show” noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Ayon kay Akiane ang kanyang talento ay ibinigay at ipinagkaloob daw sa kanya ng Diyos.

Samantala, kahit pa raw ang kanyang mga magulang ay Lithuanian Atheist ay talagang naranasan daw niyang magpakita ang Diyos sa kanyang panaginip.

Mabilis daw nawawala sa kanyang isipan ang malinaw na imahe ng mga panaginip niyang ito, kaya naman agad niya itong iginuguhit ang bawat detalye upang hindi niya ito makalimutan.

Noong siya ay walang taong gulang, nang magpakita sa kanyang panaginip si Hesus gumawa siya ng kanya mismong obra na tinawag niyang “Prince of Peace”.

I was so young but started having these visions and impressions of the world. I was just so surprised at the impeccable images I had in my head that I just had to express them in some sort of physical matter,” Pahayag ni Akiane.

Kwento pa ni Akiane ng siya ay makapanayam sa CNN noong siya ay 12 taong gulang, ang Diyos daw ay “Like a bow of light – really pure, really masculine, really strong and big. His eyes are just beautiful.”

Sa kasalukuyan ay 22 taong gulang na si Akiane, marami na rin siyang naipon dahil sa kanyang talento. Pangarap daw niya balang araw ay makapagpatayo ng ospital sa Africa at matulungan din ang ibang kabataan tulad niya.