Huwarang kuya na nanawagan sa social media, ngayon ay nakapagpatayo ng sariling negosyo at nagbigay ng libreng pagkain sa kanilang lugar

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang binata at kuya na mula sa Navotas City, dahil sa kanyang pagsusumikap ay mayroon na daw itong negosyo at bilang pagpapasalamat sa taas namahagi ito ng libreng lugaw at sopas sa kanilang lugar.

Nakilala ang binata na si Paulo Morales na isang Grab Bike Delivery Rider, Siya ay isang huwaran at mapagmahal na kapatid siya ang mag-isang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid at pinagsasabay nito ang kanyang pagta-trabaho para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Samantala, kamakailan ay dumaing at nanawagan siya sa social media at nanghingi ng tulong para sa kanilang magkakapatid. Pero hindi nanghihingi ng limos ang binata bagkus ay inaalok nito ang kanyang serbisyo para kumita ng pera.

Ayon kay Paulo hindi raw siya namimili ng trabaho at kahit gaano pa raw kalayo ang byahe ay tatanggapin nito dahil talagang walang wala daw silang pera at nag aalala siya sa kanyang mga kapatid.

“Hindi po ako pala post at pala daing, pero this time po Kakapalan ko na po ang aking mukha na humingi ng tulong, di po sa panlilimos, kundi sa pamamagitan po ng delivery service, Grab Bike Delivery rider po ko pero di na po maka biyahe dahil gamit sa emergency ang puhunan ko, Baka lang po meron kayong ipapa-Pick up or deliver po kayo, kahit 50 kls po, yan”

“Papatusin ko po, wala na po kasi akong natitirang pera panggastos namin, dahil naghahanap pa po ako ng trabaho ngayon, at waiting pa sa interview sa BPO, kung sakali lang pong may ipapa Deliver, pick up po kayo, Sa akin na lang po. Salamat po sa ating lahat God bless po at sa Family nyo.”

Pahayag pa ni Paulo sa kanyang post, mayroon dalawang taon na raw ang nakakalipas ng makulong ang kanyang mga magulang dahil sa ipinagbabawal na gam0t at mula raw noon ay mag-isa na niyang inalagaan ang kanyang mga kapatid.

Ito rin daw ang naging dahilan kung bakit siya napahinto sa pag-aaral mas pinili raw niyang magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkakapatid.

Samantala, makalipas ang apat na araw mula ng magpost si Paulo sa Facebook , bumuhos ang tulong para sa kanila. Mabilis naman kumalat ang kanyang istorya at libo-libong netizens ang nag-share nito kaya agad na nakarating ang nag-uumapaw na ayuda.

Narito ang ikalawang Facebook post ni Paulo :

“Sa Ngayon po Nakapag open na po ako kaninang umaga ng aming munting business na Fries with Milk Tea and Milk Shake. Nakapag pagkain din po tayo ng mga tao sa aming Lugar dito sa Market 3 Fishport NBBN Navotas City. nakapag bigay na din po ako ng mga kailangan ng mga magulang ko at kapatid ko na nsa loob ng kulungan at kunting pinansyal para sa kanila, at nakapag-bless din po tayo sa ibang needy din po.”

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Paulo sa Panginoon at sa lahat ng tumulong sa kanilang magkakapatid.

Isa rin sa mga pinasasalamatan ni Paulo ay ang nagpost at unang nagbahagi ng kwento ni Paulo na Commons PH.