Netizen nanawagan sa publiko na tulungan siyang mahanap ang nawawalang kamag-anak na isang dekada nang nawawala

Kamakailan ay naging usapan-usapan sa social media ang bagong ABS-CBN reporter na si Izzy Lee , ito ay matapos siyang makatanggap ng ‘free hug’ mula sa street dweller habang siya ay nakasalang ‘on air’ sa kanyang trabaho.

“So this happened at work today. A free hug,” saad ni Lee sa caption ng kaniyang Facebook post.

Pagkatapos maging viral ng nangyari sa reporter na si Izzy Lee, may isang post mula sa isang netizen na humihingi ngayon ng tulong siya ay si Patricia Macalda nanawagan siya na mahanap sana ang kanyang tiyahin na halos isang dekada ng nawawala.

Ang pangalan raw ng kanyang tiyahin ay si Nena Liboon, taong 2008 ay nawawala na daw ito ayon sa kanyang pamangkin na si Patricia.

Malakas daw ang pakiramdam ni Patricia na ang kanyang tiyahin na nawawala ay ang street dweller na yumakap sa reporter ng ABS-CBN na si Izzy.

Kaya naman panawagan ni Patricia na kung sinuman ang makakita sa kanya ay kontakin lamang siya sa kanyang Facebook Account.

Samantala, sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang isang post ni Sunshine Azarcon kung saan nanawagan din ito sa pagkawala ni Nena noon 2008 sa Cavite.

NARITO ANG BUONG POST NI PATRICIA :
“Tita nena sana ikaw nayan sana makita kana namin sobrang tagal ka namin hinihintay na umuwe at hinanap kadin ng mga kapatid mo si lola bago pumanaw alam kong gustong gusto ka nya makita kapag naluluwas ako pa manila lahat tlaga ng mga palaboy tinitingnan ko nagbabakasakali tlaga akong makita ka pero wala kung sino man po may alam or nakakita sa kanya please po pm nyo po kami sobrang miss na namin ang tita namin halos mahigit isang dekada na syang nawawala plsss po sana makita na namin sya ramdam ko ikaw tlaga yan.”