Viral Video ng matandang mag-asawa na tila nagpapaalaam sa isa’t-isa habang nasa 0spital, umantig sa puso ng mga netizen

Kung ating titignan at iisipin ay napakaraming problema at pagsub0k ang ating dinanas sa mga nagdaang taon. Nandyan ang sªkuna, kalamidad at lalong lalo na ang nagpahirap ng husto sa buong mundo ay ang pandémya.

Subalit sa kabila ng lahat ng nakakatakot na karanasan na ito ay marami pa rin sa atin ang natuto sa kaganapan na ito.

Katulad na lang halimbawa ng kwento ng isang matandang mag-asawa na ito na nagpatunay ng kanilang wagas na pag-iibigan dahil sa kabila kasi ng kanilang karªmdªman ay talagang ginusto pa rin nilang magkaroon ng oras para sa isa’t-isa.

Lingid sa kanilang kaalaman ay ito na rin pala ang magiging huling beses na magkikita silang dalawa. Dekada 80 pa nang sila ay magsama ngunit hindi naging hadlang ang mahabang panahon upang sila ay magmahalan ng wagas hanggang sa huli.

Mapapanood sa maiksing video na kumalat sa social media ang isang matandang babae at isang matandang lalaki na parehong nakahiga sa kanilang hºspital beds.

Ang dalawa ay tila hindi na kayang tumayo dahil sa kanilang karamdaman, subalit nagawa pa rin nilang maghawak ng kamay at tila ba namamaalam na rin sila sa isa’t-isa.

Mapapansin din na nahihirapan huminga ang matandang babae habang ang kanyang asawa naman ay hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay nito na tila pinapalakas ang kanyang kalooban.

Samantala, ayon sa ilang ulat ng ibang artikulo ang naturang video daw ay kuha sa intensive care unit sa Xindu No.3 People’s Hospital sa Chengdu, Sichuan province.

Ang naturang video na ito ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens. Ibinahagi rin ito ng Chinese embassy spokesperson na si Jiang Wei.

“What does a couple mean? Two elderly patients of coronavirus in their 80s said goodbye in ICU, this could be the last time to meet and greet,” Pahayag niya.

“In this life, maybe I’ll never see her again. I want to see her,” Pahayag naman ni Zhang na nasa video, 85 taong gulang sa kanyang mga anak.

Napag-alaman naman na si Zhang ay marami ng karamdaman kaya naman ipinasok siya sa ospital, habang ang misis naman nito na si Wen ay mayroong Alzheimer’s diséªse. Sa kasamaang palad ay ilang araw lang ang lumipas simula ng kumalat ang video nilang mag-asawa ay tuluyang namaalam at lumisan si Wen at naiwan sa ºspital ang kanyang mister na nagpapagaling.