Mag-ingat! Bagong Modus sa NAIA, ibinahagi ng isang netizen na labis niyang ikinabahala

Kamakailan ay may ibinahaging kwento sa social media ang netizen na si Liza Gallenero ang nakakatakot na kanyang naranasan sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA).

Ayon sa netizen, sumakay raw siya ng taxi sa NAIA mismo patungong MRT station sa Taft, subalit ng malapit na raw siya sa kanyang destinasyon ay bigla raw may tumawag sa driver ng taxi at sinasabi nito na pinababalik daw siya sa NAIA ayon sa management nito.

Dagdag pa ng netizen na si Gallenero, maya’t maya raw ang tingin sa kanya ng driver kaya naman dito na siya nagsimulang mag taka at matakot.

Tinanong ni Gallenero ang driver kung bakit sila pinapabalik sa NAIA ngunit hindi siya sinasagot nito. Tila balisa at takot rin daw ito.

“Hindi sya sumagot umikot na ang taxi pabalik sa NAIA tinanong nya ko kung ilan taon na ko, saan ako galing, wala daw ba akong kasama sunod sunod ang tanong niya sakin pero wala akong naisagot tinitignan ko yung driver balisa at parang takot rin,” kwento ni Gallenero.

Nang sila raw ay malapit na sa airport ay pinayuhan ng driver si Gallenero na huwag raw ibibigay o ipapahawak sa mga pulis at staff ang dala nitong bag.

Kwento ni Gallenero mayroon daw isang matandang pulis ang kumausap sa kanya at sinabing “for verification” daw ang kanilang ginagawa. Napansin naman ni Gallenero na may isang babaeng nagwawala at itinuturo siya habang nasigaw ng “Siya yun! Siya yun”.

“May isang babae na sumisigaw palapit sakin. Nasa early 30’s yung babae, Maganda, mukhang mayaman at naka jumpsuit na kulay itim na ung sleeves eh lagpas lagpas sa mga kamay nya sa sobrang haba. Hysterical ung babae tinuturo nya ko habang sumisigaw ng (sya yun! Sya yun!)”

At nang papalit na raw si Gallenero ay nakita niya rin na papalapit sa kanya ang babaeng nagwawala at pilit nitong inaagaw ang kanyang bag ngunit hindi niya ito binitawan.

“Habang hysterical ung babae tahimik lng ung matandang pulis nagtanung ulit ako (Sir anu po bang problema?) Inulit nya lang ung sagot nya sakin nung una akong magtanung. Lumayo sakin ung matandang pulis at ung babae may pinagusapan sila,” sabi ni Gallenero.

Agad raw dumami ang tao sa paligid ni Gallenero at lahat sila ay pinayuhan siyang huwag ibigay ang kanyang bag. Ilang sandali pa ay kinausap raw ng matandang pulis ang driver ng taxi at panay lang ang tango nito.

Kinausap rin daw ang pulis si Gallenero at sinabing ““kalimutan mo na lang yung mga nangyari kami na ang bahala ihahatid ka na ng driver sa taft.”

Dahil ayaw ni Gallenero ng gulo at gusto niya na rin makauwi ng ligtas, tumango na lang din si Gallenero sa pulis at ayon pa sa kanya ay kalmado at mukang relax na raw ang babaeng nagwawala kanina.

Samantala, habang nasa biyahe sila ay tinanong ni Gallenero ang driver kung ano ba talaga ang nangyari.

“Ang sagot sakin nung driver (mga kalokohan nila yun. Tama lang na hindi mo binigay ung bag mo dahil kung binigay mo yan ung babaeng lumapit sayo pwede nyang lagyan ng kung anu man yang bag mo at kapag nasa bag mo na ang bagay na yun pananagutan mo na yun dun ka pwedeng mapahamak. Kaya sa susunod na ba-byahe ka magisa wag kang tiwala sa staff at mga pulis dito dahil sila sila lang din ang madalas na gumagawa ng mga kalokohan dito.)”

BASAHIN ANG MAHALAGANG POST NI GALLENERO :

“Share ko lng po experience ko po sa NAIA. Sumakay ako ng airport taxi sa NAIA papunta sana sa MRT station TAFT. Wala akong gaanong dala nun isang back pack lang at isang shoulder bag. Lahat yun hand carry ko sa plane. Malapit na kmi sa taft ng biglang may tumawag sa Taxi driver. Habang may kausap ung driver sa phone lingon ng lingon sya sakin hindi sya mapakali at tinititigan nya ko. Dun ako nagsimulang makaramdam ng takot.

Nagtanong ako (kuya may problema po ba?) Ang sagot nya (ma’am tumawag po ang management ng NAIA kelangan ko po kayo ihatid pabalik ng airport) nagtanong ako ulit (Bakit po? May problema po ba?) Hindi sya sumagot umikot na ang taxi pabalik sa NAIA tinanong nya ko kung ilan taon na ko, san ako galing, wala daw ba akong kasama sunod sunod ang tanong nya sakin pero wala akong naisagot tinitingnan ko ung driver balisa at parang takot rin.

Malapit na kmi sa airport ng sabihin ng driver sakin na (tandaan mo wag na wag mong ibibigay at ipapahawak sa mga pulis at staff yang bag mo) paghinto ng taxi nagulat ako ng maraming pulis ang nagtakbuhan paikot sa taxi na sinasakyan ko, nauna bumaba ung taxi driver. kinausap sya nung dalawang pulis na lumapit sa kanya. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko nagiisip ako kung anu gagawin ko dahil hindi ko naman alam kung anu ung ngyayari.

Bumukas ung pinto sa tabi ko at kinausap ako ng matandang pulis ang sabi nya sakin (pasensya na po sa abala ma’am for verification lang po) un lang po ang nasabi nya sakin dahil may isang babae na sumisigaw palapit sakin. Nasa early 30’s ung babae, Maganda, mukhang mayaman at naka jumpsuit na kulay itim na ung sleeves eh lagpas lagpas sa mga kamay nya sa sobrang haba. hysterical ung babae tinuturo nya ko habang sumisigaw ng (sya yun! Sya yun!) nang makalapit sakin ung babae pilit nyang kinukuha sakin ung back pack ko pero di ko binigay. Habang hysterical ung babae tahimik lng ung matandang pulis nagtanung ulit ako (Sir anu po bang problema?) Inulit nya lang ung sagot nya sakin nung una akong magtanung. Lumayo sakin ung matandang pulis at ung babae may pinagusapan sila.

Dumadami na ung tao sa paligid namin. Lahat sila sinasabi na wag ko raw ibibigay ung bag ko kagaya nung sinabi sakin nung taxi driver. Tumagal kmi ng halos isang oras dun maya maya bumalik ung pulis lumapit sa driver kinausap siya tango lang ng tango ung taxi driver saka lumapit sakin ung pulis umupo sa tabi ko at kinausap ako tiningnan nya ung ticket ko at nagtanong kung ilang taon na ko tapos sabi nya sakin (bata kapa pasensya na dumadami na ung tao hindi mo rin naman siguro gustong humaba pa ito kalimutan mo na lng ung mga nangyari kmi na ang bahala ihahatid ka na ng driver sa taft.) Un lang ang sabi sakin nung matandang pulis tumango na lng din ako dahil ayoko din ng gulo ang gusto ko lang makauwi ng ligtas sa bahay. Tiningnan ko ung babae na hysterical knina relax na at parang wala lang nangyari.

Habang nasa byahe nagtanung ulit ako sa driver kung bakit kmi pinabalik at kung bakit nila kinukuha ung bag ko sakin. Ang sagot sakin nung driver (mga kalokohan nila yun).

Tama lang na hindi mo binigay ung bag mo dahil kung binigay mo yan ung babaeng lumapit sayo pwede nyang lagyan ng kung anu man yang bag mo at kapag nasa bag mo na ang bagay na yun pananagutan mo na yun dun ka pwedeng mapahamak. Kaya sa susunod na ba-byahe ka magisa wag kang tiwala sa staff at mga pulis dito dahil sila sila lang din ang madalas na gumagawa ng mga kalokohan dito.)

Sa mga nakaranas po ng ganito sa NAIA alam na po natin kung sino ang mga HINDI DAPAT pagkatiwalaan. Doble INGAT po. “