Isang batang babae na nagtitinda ng camote cue, ibinalik ang kanyang napulot na pera at cellphone

Marahil ang pagbabanat ng but0 o paghahanap-buhay ay responsibilidad ng matatanda  subalit dahil sa kahirapan ng buhay lalo nasa mga taong kapus-palad sila ay maagang namumulat sa buhay at sa kanilang murang edad ay napipilitan maghanap-buhay para may makain araw-araw.

Katulad na lang ng kwento ng isang batang babae na ito na nakilala sa pangalan na Donna Mae Aguilar. Si Donna ay 12 taong gulang pa lang at nagtitinda na siya ng camote cue upang makadagdag sa panggastos nila araw-araw ng kanyang lalo at nakababatang kapatid.

Ang kwento ni Donna ay ibinahagi ng concern citizen na si Jam Loresto, Ibinahagi ni Jam ang kahanga-hangang kwento ng batang si Donna kung saan ito ay hindi raw nagdalawang isip na isauli ang napulot niyang pera at cellphone.

Hindi raw naging hadlang o dahilan ang kahirapan sa buhay ni Donna para maangkin ng hindi kanya kaya naman isinauli nito ang napulot na pera at cellphone.

Labis ang paghanga ni Jam sa bata dahil hindi nito inaasahan pang maibabalik ang kanyang mga gamit at pera.

“Di na ako umasa na makakabalik kasi maraming tao nung time na yun kaya sobra akong nagpapasalamat nung naisauli sa akin.” Pahayag ni Jam.

Dahil sa labis na paghanga ni Jam sa bata ay pinapunta niya ito sa kanilang tahanan at ipinakilala sa kanyang pamilya. Napagdesisyunan din ni Jam na bigyan ito ng laruan at ilang damit kanya rin pinakyaw ang mga paninda nitong camote cue upang makauwi na ito at makapagpahinga.

Talagang nakakatuwa ang makakita ng mga ganitong klaseng kabutihan lalo na sa murang edad ni Donna.

Ang kanya sanang ginawa ay magsilbing araw at huwaran sa maraming kabataan, na sa kabila ng hirap sa buhay ay hindi nagdalawang isip na isauli ang pera at cellphone sa tunay nitong may-ari.