Isang Estudyante na may Anak, sinabihan ng Teacher na dalahin ang bata sa Paaralan at siya mismo ang mag-aalaga nito

Marahil bihira na sa panahon ngayon ang mga guro na katulad ng tampok sa ating kwento.

Mayroon kasing isang estudyante na mayroon ng anak at nagpupursigi na ituloy ang pag-aaral at para makatulong ang guro ayon dito sinabi niya sa kanyang estudyante na dalahin sa paaralan ang anak nito upang siya na ang mag-alaga at sa gayon ay makapag-aral ng maayos at maka-attend sa klase ang kanyang estudyante.

Ang iba sa ating mga kabataan ngayon ay may ganitong sitwasyon sa buhay maagang nagkakaroon ng mabigat na responsibilidad o di kaya naman ay nakakapag-asawa ng maaga kaya naman hindi na nakakapag-aral.

Subalit sadyang mayroon iilan na kahit naging ganon ang kapalaran at sitwasyon sa buhay ay mas pinili paring maisakatuparan ang kanilang pangarap sa buhay.

Katulad na lang ng naging senaryo sa eskwelahan na ito kung saan mismo ang guro ang nagpupursige sa kanyang estudyante na dalahin ang anak nito sa eskwelahan at siya na mismo ang bahala mag-alaga dito para makapag-aral ng maayos ang estudyanteng ina.

Ayon sa teacher “Dalahin mo nalang si baby dito sa school tuwing papasok ka at ako ang mag-aalaga, para makapag-focus ka sa pag-aaral mo”.

Dalahin sa ginawa na ito ng naturang guro ay maraming mga netizen ang humanga dito sa ipinakita niyang pagmamagandang loob para sa kanyang estudyante.

Iba’t-ibang papuring komento ang natanggap niya mula sa mga netizen, marahil maituturing nga na isang bayani ang mga guro lalo na sa pagkakataon na ito.

Nawa’y may huwag mawalan ng pag-asa ang mga kabataan na nasa ganitong sitwasyon, huwag mawalan ng pag-asa at patuloy lang mangarap sa buhay.