Buboy Villar, naging emosyonal sa paghatid sa kanyang bunsong anak sa Airport na patungong Amerika!

Bilang isang magulang tanging hiling mo ay ang makasama palagi ang iyong mga anak kaya naman napakasakit siguro kapag dumating sa punto na kailangan mo nang mawalay ang iyong anak para sa ikabubuti nito.

Marahil hindi mo kayang itago ang iyong emosyon kapag anak na ang pinag-uusapan, Katulad na lang ng aktor na si Buboy Villar hindi napigilan ng aktor na maging emosyonal sa paghatid nito sa kanyang anak sa airport para magtungo sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang anak.

Isa si Buboy Villar sa mga kilalang komedyante at aktor sa industirya ng showbiz, Bata palang ay sumabak na ito sa pag-aartista dahil sa kanyang makwela at magaan na personality hanggang ngayon ay patuloy na maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

Subalit sa likod ng mga ngiti at tawa sa mukha ng aktor sa telebisyon, hindi napigilan ni Buboy ang pagbuhos ng kanyang luha kapag mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Micheal ang pinag-uusapan.

Kung matatandaan noong November 2021 nang ihatid ni Buboy ang kanyang panganay na anak na si Vlanz sa airport patungong Amerika kung saan naninirahan ngayon si Angillyn Gorens, siya ang ex-partner ng aktor at ang mommy ng kanyang dalawang anak.

At makalipas lamang ang ilang buwan si George Micheal naman ang pupunta sa America upang makapiling ang kanyang Mommy Angillyn at Ate Vlanz.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Buboy nitong Marso, mapapanood dito ang paghatid niya sa kanyang bunso sa airport dahil ito ay dito na mamalagi sa Amerika sa loob ng isang buwan.

“I’m pretty sure na sobrang miss na rin ni Angillyn si George. Kumbaga ako naman ay malungkot pero ako, okay basta’t para sa future ng mga anak ko. Isa-sacrifice ko yan, Yung pagka-miss ko, andyan na yan pero mas maganda i-secure natin yung future nila” naluluhang sabi ni Buboy.

Kwento pa ng aktor nangako raw siya na hindi siya iiyak, subalit nang dumating ang mismong araw na lilipad na si George papuntang amerika ay hindi napigilan ng aktor ang kanyang damdamin.

“Mami-miss namin si George. ‘Yung kakulitan niya,” ayon kay Buboy habang pinapanood si George papasok sa airport.

Tunay na hindi madaling malayo ang anak sa kanyang magulang dahil ito ang kanilang nagiging lakas at gamot sa oras na pagod at may nararamdaman ang kanilang magulang, Ayon nga sa maraming magulang lahat ng hirap nila ay napapawi kapag sila ay niyakap at nilambing na ng kanilang mga anak.