Gerald Anderson, niregaluhan ang kanyang Personal Assistant ng mamahaling motorsiklo na pangarap nito

Marahil marami tayong nababalitaan na mga nakakalungkot na kwento at pangyayari tungkol sa mga taong minªmaltrªto ng kanilang amo ngunit mayroon din naman ibang tao na naging ma-swerte sa kanilang amo na napupuntahan tulad na lamang ni Jalal Laidan na personal assistant ng aktor na si Gerald Anderson.

Pagpasok pa lang ni Gerald Anderson sa mundo ng showbiz ay sunod-sunod agad ang kanyang proyekto at oportunidad dahil na rin sa angking talento nito at kagwapuhan.

Kung matatandaan unang nakilala si Gerald Anderson sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN at dito mas nakilala ang tunay na pagkatao ni Gerald at masasabi na siya ay isang mabuting tao hindi lamang sa harap ng kamera pati sa totoong buhay at kamakailan nga lang ay muli itong natunghayan ng publiko.

Bukod sa pagiging mahusay na aktor ang isang Gerald Anderson din ay mabait at sincere na amo, dahil sa pagsapit ng kaarawan ng kanyang Personal Assistant na si Jalal Laidan ay may inihandang bonggang regalo ang aktor.

Sa ibinahagi ni Gerald na maikling video sa kanyang instagram, makikita rito ang kanyang pagsurpresa sa kanyang PA.

“Birthday ng anak ng Sultan na si Jalal tapos ngayon, isu-surprise natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarap ‘yan kaya pagbibigyan natin siya” sabi ng aktor sa unang bahagi ng kanyang video.

Nang makita ni Jalal ang bago at magarang motorsiklo ay hindi nito napigilan na tumalon sa saya at napayakap sa kanyang among si Gerald.

Matagal na raw itong pinapangarap ng kanyang Personal Assistant kaya naman excited ito ng subukan patakbuhin ang motorsiklo.

Labis naman ang pasasalamat ni Jalal sa ibinigay na regalo ni Gerald Anderson, hindi rin niya napigilan na magbigay ng pahayag at pasasalamat kay Gerald at nagbahagi siya sa instagram ng isang larawan kung saan nakasakay siya sa motorsiklo na bigay ni Gerald.

“Maraming salamat sa lahat po! Dream come true! Thankyou so much my boss my brother! @andersongeraldjr <3<3<3” pahayag ni Jalal.

Isa itong patunay kung gaano kabait na amo ang isang Gerald Anderson, at ayon rin sa mga malalapit ni Gerald ay napaka tunay na tao nito at talagang mabait sa kanyang mga kaibigan.