Baron Geisler, masayang ibinahagi sa publiko ang pagtatapos niya ng Kolehiyo sa Kursong Theology

Ang mundo talaga ay mahiwaga hindi natin mahuhulaan ang mga susunod na mangyayari dahil kung minsan ang inaakala mong malabong mangyari ay maaari palang magkatotoo.

Katulad na lang ng buhay ng aktor ni Baron Geisler, minsan ng dumating sa buhay ni Baron ang problema kung saan tila dinala siya ng anod at tinangay sa kasadlakan subalit ang lahat ng ito ay kanyang nalampasan, Nagsumikap siya para ang kanyang sarili ay mapabuti.

Hindi naging sikreto ang pinagdaanan sa buhay ni Baron, buong bansa ay alam ang kanyang pinagdaanan minsan siyang nalulong sa dr0ga, bisy0 at alªk at ito ang isa sa mga malaking hamon na hinarap niya sa buhay.

Ang masigla at positibong personalidad ni Baron ay nagbago ng ito ay natutong magbisyo nawala siya sa tamang landas subalit matapos ang ilang taon niyang pagsasailalim sa therapy at rehab nahanap ni Baron ang kanyang sarili at sa bawat araw na lumilipas, pinagsisikapan niyang mabuti para malagpasan ang madilim na parte ng kanyang buhay.

Samantala, sa pagbabalik ni Baron ng showbiz noong 2019 napagdesisyunan din niyang mag-aral muli sa kolehiyo dahil isa daw ito sa mga ipinangako niyang gagawin kapag nakalabas siya ng rehab.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagre-rehab at therapy naging malapit ang aktor sa Panginoon kaya naman ang kursong Theology sa All Nations College ang pinasukan niya.

At matapos nga ang ilang taong pagpupursige sa pag-aaral ng aktor, sa wakas ay nakamit niya ang diploma at degree sa Theology. Dahil sa achievement niyang ito ibinahagi niya ang magandang balita na ito sa Instagram kung saan ay ipinasilip niya ang ilang larawang kuha sa ceremony ng kanyang graduation.

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord! <3” caption ng aktor.

Makikita naman sa larawan kung gaano kasaya ang aktor sa kanyang achievement, bakas ang ngiti sa kanyang mukha habang umaakyat sa stage at hanggang sa pagtanggap nito ng kanyang diploma.

Ito ang magsisilbing tagumpay ng aktor na si Baron, sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay hindi siya sumuko sa buhay at muling bumangon para abutin ang pangarap.

Maraming mga kapwa celebrity ang bumati kay Baron :

“Congratulations, Baron <3 <3” Pahayag ni Princess Punzalan

“Congrats Baron!!!” Komento ni Donnalyn Bartolome.

“Congratulations @baron.geisler <3” komento naman ni Jennifer Lee.