Pinay na nasa Canada na kinuha ang kaibigan bilang yaya at makapagtrabaho abroad, inaasawa na pala ang kanyang asawa!

Pangarap ng marami ang magkaroon ng trabaho sa pagtuntong ng kanilang tamang edad. Madalas ay kasabay pa nila na magtrabaho ang mga malalapit na kaibigan.

Marami din sa ating kababayan ang nangangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil malaki raw ang kikitain dito at madali makaka-ipon. Sino nga ba ang may ayaw ng ganon kung makikita mo na mas malaki talaga ang tiyansa na ikaw ay umunlad sa ibang bansa kaysa dito sa atin sa Pilipinas.

Ang makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi madali maraming mga kailangan papeles at proseso kaya naman ang iba ay hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil na rin sa kinukulang sa pinansyal.

Swerte na nga lang ang iba na may mga kakilala ng nagtatrabaho sa ibang bansa dahil natutulungan sila nito na mapadali ang kanilang pagpunta dito.

Tulad na lamang ng isa natin kababayan na pinalad makapagtrabaho sa Canada na si Elloraine Lamb at nakapangasawa din siya dito na isang Canadian Citizen.

Sila ay biniyayaan ng isang anak ngunit dahil sa parehas may trabaho ay kailangan humanap ni Ellaine ng makakasama sa bahay para mag-alaga sa kanyang anak na malapit lang sa kanya at mapagkakatiwalaan.

Naisip ni Ellaine na tulungan ma-petisyon ang kaibigan niya na si Maria Salvacion para na rin matulungan niya ito na makapagtrabaho sa ibang bansa. Naging maayos naman at napetisyon nga si Maria at siya ang naging tagapag-alaga ng anak ni Ellaine.

Makalipas lang ang ilang buwan ay napapansin ni Ellaine ang nga kinikilos ni Maria at nagsimula na rin lumamig sa kanya ang kanyang asawa na tila ba may mali.

Nang mapansin ito ni Ellaine siya ay kinutuban na kaya naman binuksan ni Ellaine ang cellphone ng kanyang asawa. Laking gulat nito na tama ang kanyang kutob na nagkakamabutihan na nga ang dalawa batay sa kanyang mga nakitang matatamis na mensahe at ilang masésélan na larawan na nasa cellphone nito.

Agad-agad naman kinompronta ni Ellaine ang dalawa tungkol sa kanyang mga nakita, hindi naman nagkaila si Maria at ang asawa ni Ellaine at silang dalawa ay umamin na may relasyon nga sila.

Dahil sa mga pangyayari na iyon ay agad dumulog si Ellaine kay sir Raffy Tulfo para humingi ng tulong sa ginawa sa kaniya ng kanyang kaibgan at para ito ay tuluyan ng madeport sa ginawa sa kanyang pang-aahas.