Alagang Aso, ibinuwis ang buhay para mailigtas ang Amo na nakuryente sa “Livewire”

Kung ikaw ay may mga alagang as0 o pusa o di kaya naman ikaw ay pet lover alam mo at nararamdaman mo na para silang tao kung mag-isip at mararamdaman mo ang pagmamahal.

Ang mga alaga natin ay sobrang loyal sa atin lalo na kung minamahal natin sila ay ibinabalik sa atin ng dobleng pagmamahal at pag-aalaga. Gaya na lamang ng isang kwento na ito kung saan inibuwis niya ang kanyang buhay sa kanyang Amo.

Nagbuwis ng buhay ang isang alagang aso para lamang mailigtas ang kanyang amo na naku-kuryente sa isang livewire na hawak nito.

Ayon sa netizen an nakaligtas sa naturang insidente, nag-aayos umano sila ng kanyang nakababatang kapatid para sa lamay ng kanilang ina nang bigla niyang mahawakan ang live wire ng kuryenteng nais nilang pagkabitan ng ilaw.

Nangisay raw agad ito at sumisigaw para humingi ng tulong, sa pagkataranta ng kanyang kapatid ay hindi nito alam ang gagawin.

Ang natatandaan na lang daw niya ay humihiling siya na sana’y matulungan siya makaalis mula sa kanyang pagkakahawak sa livewire.

Ilang saglit lang daw ay walang anu-ano’y parang dininig ng langit ang kanyang dasal nang biglang dumating ang kanilang aso at mabilis na tumalon at kinagat ang livewire na hawak ng biktima.

Naligtas man sa kapahamakan ang naturang biktima subalit may kapalit naman itong ibang buhay, nagbuwis ng buhay ang kanyang alagang aso kaya naman labis ang pasasalamat nito sa ginawang pagliligtas sa kanya utang daw niya sa alagang aso ang buhay niya.

Ayon sa may-ari ng aso at naturang biktima : “Nagdasal ako na sana’y may magligtas sakin sa pagkakahawak ko sa livewire, Hindi ko aakalain na tatalon ang alaga kong aso at kakagatin yung wire para mailigtas ako”.