Identical Twins nabisto na i-isang Driver License lamang ang ginagamit sa loob ng 20 years dahil sa buhok

Tila isang pelikula ang naging kwento sa pagkakahuli sa magkapatid at magkakambal na ito na gumagamit umano ng isang driver’s license sa loob ng 20 years!

Ayon sa ulat ng Elite Readers, ang naturang kambay ay mula sa Jiamusi, Heilongjiang province of China. Nabisto raw ang ginagawang kalokohan ng kambal na may apelyidong ‘YAN’ ng pahintuin ang nakatatanda sa kambal ng mga pulis habang nagmamaneho.

Sa ulat ng mga pulis naghinala daw sila na ‘revoked license’ ang gamit nito, kahit nagpanggap itong siya ang nakababatang YAN ay nagduda pa rin ang mga pulis dahil may napansin silang kakaiba.

Sa pag iimbestiga ng mga pulis sa database ng kambal ay nakita ng mga ito na ang mas nakababatang YAN ay makapal at marami pang buhok samantala ang nakatatanda naman ay napapanot na.

Kahit pa may suot na bonnet ang nakatatandang YAN na kambal ay nang parahin ito ng mga pulis ay pinatanggal nila ito kaya bumungad sa kanila ang napapanot nitong ulo.

At dito na nga nalaman ng mga pulis na iisa lamang ang ginagamit ng magkapatid na driver’s license.

Parehas na-revoke ang license ng magkakambal noon dahil sa pagmamaneho ng lasing, subalit ang nakababatang YAN ay nakakuhang muli ng matapos dumaan sa ilang driving test. Mula noon ay iisang license na raw ang ginamit ng magkapatid.

“Although they looked really alike, there were some features that set them apart – including the thickness and the length of their hair,” -ayon sa officer na si Zhao Xin.

“I have been using the same driver’s license with my younger brother for 20 years, We are twins, so we look very alike” -sabi ng nakatatandang YAN.

Samantala, pinagmumulta ng 2,000 yuan o mahigit P14,000 ang nakatatandang Mr. Yan.