Nanay na nakatanggap ng P500K sa kanyang 77th Birthday mula sa kanyang 7 Anak, Viral!

Mayroon isang Nanay na napakaswerte sa kanyang pitong anak dahil sa kanyang 77th Birthday ay sinurpresa siya ng kanyang mga anak at niregaluhan ng engrandeng kaarawan at mga pera na umabot ng halos kalahating milyon o 500,000 pesos.

Marami sa atin ang nangangarap at nagpa-plano na sana ay pagdating natin sa edad na maaari na tayong mag trabaho ay makabawi tayo sa ating mga magulang, mabigyan sila ng bahay, gamit, sasakyan o kaya naman ay mabigyan ng engrandeng okasyon sa kanilang kaarawan.

Marahil ito ang paraan marami sa atin ng pasasalamat sa kanilang mga magulang sa pagsilang sa kanila, pagpapalaki sa kanila, at pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan.

Katulad na lang ng kwento ng maswerteng Ina ng tahanan na si Nanay Belen na mula sa Lemery, Batangas. Sa kanyang 77th Birthday ay sinurpresa siya ng kanyang pitong (7) anak at nakatanggap ka mula sa mga ito ng halos kalahating milyon o Php500,000 cash hindi pa kasama diyan ang ginastos sa engrandeng kaarawan ni Nanay Belen na sagot din ng kanyang mga anak.

Ayon naman sa kanyang mga anak, hindi nila binibilang kung magkano ang nagastos nila sa kaarawan ng kanilang Ina, Dahil ang pagmamahal ng kanilang Nanay Belen sa kanila ay ‘priceless’ at walang makakapantay dito.

Samantala, ang natanggap ni Nanay Belen ay isang ‘umbrella money’, dalawang ‘money bouquets’, ‘two money cakes’ at ‘two boxes of money; Talaga naman tila naka-jackpot sa Lotto si Nanay Belen sa kanyang mga natanggap mula sa mga anak.

“We believe parin naman na its not the monetary value na makakapagpasaya sakanya, pero kahit paapaano masurprise man lang siya, masiyahan siya,”

“Usually kasi ‘yung iba nagaambagan lang para makuha ‘yung P77,000 so sabi namin lahat naman able tayo as magkakapatid. Para mas ano pa ‘yung happines. Per anak nag-P77,00 kami. Kaya umabot yung suprise namin ng morethan half million. We made sure din na iba’t ibang pakulo.” – Ayon sa isang anak ni Nanay Belen na si Sherwin.

“Hindi naman kinakailangan na ganun ka bongga, or hindi rin naman talaga nasusukat sa monetary value ‘yung pagmamahal natin sa mga magulang. If hindi kaya, wala naman problema. Maging mabuting anak na lang tayo at napakalaking bagay na ‘yun sa ating mga magulang. Pero if meron naman tayong means, meron tayong sobrang pera, minsan nakakapagbigay ligaya din naman ito sa kanila,” – Dagdag pa ni Sherwin.