Isang Ama na nakapagpatayo ng sariling bahay sa halagang P50k na may aircon pa, Hinangaan ng madla!

Usap-usapan sa social media ang kwento ng isang dakilang ama kung saan namangha ang mga netizen sa ginawang bahay nito para sa kanyang pamilya sa halaga na P50,000.

Kinilala ang ama na si Henry Tugot at ang kanyang may bahay na si Rejeen Tugot, ang mag-asawa ay mayroong dalawang anak sila ay masayang namamalagi sa kanilang munting tahanan na binuo mismo ng kanilang padre de pamilya.

Sa Facebook post na ibinahagi ng news reporter na si Russel Simorio, ang pera daw na nalikom ni Henry ay ginamit nito sa pagpapatayo ng kanilang bahay ang naipon na pera ni Henry ay galing sa mga pa extra-extra niyang trabaho.

Samantala, bukod sa pagiging masinop at madiskarte ni Henry ay mas humanga ang mga netizen sa kanya ng malaman na ginawa lang niya nag naturang bahay sa loob ng 25 days.

Ang kanilang munting tahanan ay my sukat na 14×16 feet, ang naturang tahana ay mayroon isang kwarto, sala, kusina at mayroon pang terrace.

Talagang maayos na maayos tignan ang bahay at komportable dahil kinabitan din ito ni Henry ng Aircon.

Kahit na hindi kalakihan ang bahay ay kitang-kita ang galing at diskarte ni Henry sa pagpapaganda nito.

Makikita naman sa mga larawan kung paano niya ito sinimulan at hanggang matapos.

Gumamit siya ng eleganteng wallpaper sa loob ng bahay at maging sa paggamit ng pintura ay maaliwalas ang kulay samahan pa ng cute at maliit na halaman sa paligid nito.

Kaya naman talagang hinahangaan si Henry sa kanyang galing at diskarte masasabing ito ay isang “work of art” at hindi lang yan ito ay sa murang halaga lamang.