Isang Delivery Truck tumagilid at tumaob, mga tao hindi magkandamayaw sa pagpulot ng mga case ng Alak upang iuwi

Ang aksidente o insidente ay hindi natin masasabi kung kailan dahil araw-araw ay may mga pangyayari na hindi natin inaasahan.

Madalas makikita natin ang mga pangyayari na hindi natin inaasahan ay sa kalsada kung saan makikita natin ang samu’t saring pangyayari gaya na lang ng banggaan, away ng mga bata, may nasusün0g, may nalalaglag o kung ano pa.

Gaya na lamang ng isang pangyayari na ito kung saan wala ng nagawa ang isang driver ng delivery truck kundi mapa kamot na lamang sa ulo, ito ay matapos tumaob at tumagilid ang kanyang minamanehong truck dahilan ng pagkawala ng balanse nito habang siya’y papaliko sa zigzag road ng Antipolo.

Ang masaklap pa dito ay imbis na tulungan siya ng mga residente at motoristang dumadaan sa lugar ay nag sikanya-kanyang kuha ang mga ito ng mga case ng alak na galing sa tumaob na truck at tila ba parang pista sa lugar.

Hindi na nagawang awatin ng driver ang mga residente at motorista kaya naman lahat ay kanya-kanya kuha nga mga case ng mga alak.

Ayon pa sa driver ng truck sinubukan raw niyang humingi ng tulong sa mga tao upang siya’y matulungan na maisalba pa ang mga alak na hindi nabasag sa pagkakahulog nito.

Subalit sa halip na tulungan ay kinuha pa ng mga residente at maging ang mga dumadaan na motorista ang naturang mga alak.

Dahil sa ginawa ng mga residente at motorista na dumadaan ay halos walang natira sa mga alak kundi ang mga basyo na basag dahil sa pagtaob nito.