Isang Doberman, isinakripisyo ang sarili para maprotektahan ang pamilya sa apat na Mountain Cobras!

Marahil marami sa atin ang may alagang aso dahil ito ang masasabi natin pangkaraniwang alaga sa bahay na kung minsan ang tawag pa nga atin ay ‘Bantay’.

Ang aso ay isa sa kinagigiliwan at pinakagustong alagang hayop ng mga tao dahil sa kanilang kabaitan at pagiging matapat. Kaya kung tawagin sila ay “Man’s Bestfriend”, maraming kwento na nagpapakita ng kabayanihan ng mga aso ngunit nakakamangha pa rin sa tuwing sila ay nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga amo.

Katulad ng kwentong ito, isang asong Doberman mula sa Gajapati Region ng Odisha, East India ang namatay matapos ibuwis ang buhay sa kanyang kabayanihang ginawa. Ang nasabing aso ay nakipaglaban umano sa apat na mountain cobras na nagtangkang pumasok sa bahay ng kanyang amo.

Ibinuwis ng alagang aso ang kanyang buhay at buong tapang na hinarap ang makamandag na cobra upang maprotektahan ang kanyang amo at pamilya nito.

Ayon kay Dibakar Raita, ang may-ari ng Doberman, nagulat siya ng nasaksihang duguan na ang kanyang aso at nakahandusay sa sahig sa labas ng kanilang bahay.

Katabi nito na wala na ring buhay ay ang apat na cobra na duguan rin. Labis ang kanyang lungkot at ng kayang pamilya ng makita ang aso nilang wala ng buhay, lalo na at kabibili pa lamang nila nito at hindi pa nakakasama ng matagal.

Sinasabing ang bahay nila ay nakapwesto sa baba ng bundok kaya’t normal na magkaroon ng mga mabangis at ligaw na hayop na nanggagaling sa kabundukan.

Ayon pa kay Dibakar sana’y sila na may mga hayop na nakapunta sa kanila galing bundok, subalit una raw itong pagkakataon na may nangyaring ganun sa kanilang pamilya.

Ayon naman sa report ng awtoridad, ang asong doberman ay pinoprotektahan ang tahanan ng kanyang amo at pinigilan umano ang mga cobra na nagtangkang pumasok sa loob ng bahay.

Buong tapang umanong nilabanan ng Doberman ang apat na cobra at halatang kahit nahirapan ito dahil sa matinding tuklaw na may venom na natamo ay pinilit pa rin nitong lumaban.

Base sa mga larawan ay sadyang nahirapan ang Doberman dahil sa duguan ito at patunay lamang ito na naging matagal ang pakikipaglaban niya sa mga cobra.

Kahit pa ilang beses na itong natuklaw ay patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban para maprotektahan ang among si Dibakar at pamilya nito.

Nagtagumapay man ang doberman sa pagpatay sa apat na cobra ay hindi naman ito nagtagumpay na mabuhay. Patay na ang doberman at hindi na nagawang mai-sugod pa sa vet.

Labis ang pasasalamat ni Dibakar sa kanyang aso dahil sa ginawa nitong kabayanihan para sa kanyang pamilya. Subalit malungkot parin siya dahil sa kinahinatnan ng kanyang aso hinding-hindi niya makakalimutan ang ipinakitang katapatan at pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

“I’m shocked. He has made the supreme sacrifice for me and my family. I will remember him till our death. I pray to God, may his soul rest in peace,” saad ni Dibakar.

Bilang pagtanaw ng pasasalamat ni Dibakar ay nagdaos siya ng burol para sa kanyang bayaning aso at ito ay dinaluhan ng kanyang mga kapitbahay at mga kaibigan na nakakakilala sa kanilang aso.

Tunay na maaasahan talaga ang ating mga alagang aso, dahil ang ibinibigay natin sa kanilang pagmamahal ay kanilang sinusuklian ng katapatan at katulad ng kwento ng aso ni Dibakar ay pinakita ng kanyang alaga na kahit buhay nito ay kayang isakripisyo para sa kanyang amo.