Isang online seller, pumanaw matapos hindi kayanin ang sobrang pagod ng katawan

Dahil sa kinahaharap na pandemiya ng buong mundo, Halos lahat ay hindi nakakalabas ng bahay kaya naman tanging pag order nalang online ang ginagawa ng karamihan para makabili ng kanilang pangangailangan.

Kaya naman sa pagsikat ng mga online orders, dumarami ang mga nag o-online sellers. Ito rin ang naging bagong pinagkakakitaan ng mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.

Kahit pa mahirap ang ganitong uri ng negosyo ay medyo malaki naman ang kitaan dito basta masipag at madiskarte ka lamang.

Subalit sa ganitong negosyo kailangan mo din palakasin ang iyong katawan kinakailangan mo ng oras para sa iyong sarili para makapag pahinga at magrelax. Dahil kung aabusühin mo ang iyong katawan at utak ay maaaring bumigay ang mga ito.

Katulad na lang ng sinapit ng kaawawang online seller na ito, bumigay kasi ang kanyang katawan dahil sa sobrang pagod at puyat.

Sa Facebook post ng netizen na si Liezle De Vera Jordan, kanyang ibinahagi ang nangyari sa kaniyang kapwa online seller na binawian ng buhay sahil sa sobrang pagod ay hindi kinaya nito ng kanyang katawan at utak.

Narito ang buong post ni Liezle,
Rest in peace.

Another online seller na naman ang binawiån ng buhay sa sobrang pagod. Hindi na nakayanan ng utak.

Sabi ko nga kapag online seller ka, pakiramdam mo hindi ka na normal na tao, na nakatira ka na sa loob ng telepono. Kung may tatlong duda sayo, may isang libo naman ang nagtitiwala sayo.

Dun ka lalakas, sa mga naniniwala sayo. Kapag gising mo, cellphone na ang aatupagin mo, may mga buyer kasi tayo na kapag nakabayad na at wala pa ang order nila galit na galit sayo, nakalimutan ng tao ka na kailangan mo din ng konting pahinga, minsan naaapakan na pagkatao mo.

Pero ako, kahit gaano kabastos ng buyer ko, iniintindi ko. Never ako nakipagsalitaan, yung pang unawa ko stretchable katulad ng mga damit ko, pag may misunderstanding sa amin ng buyer ko, pinapagupa ko yung tensyon katulad ng damit ko “lamig tela” kailangan “lamig ulo” palagi. hahahaha ganyan lang, tawa lang!

Alam na alam ni Lord, kung gaano kadami yung pangarap ko, lahat ng stress, pagod, lipas gutom, maghapon magdamag cellphone, iiiyak ko lang yan. Isusumbong ko lang lahat sa kanya, tapos okay na. Lavarnnn na ulit.

Pero ngayon, pansin din ng mga buyer ko, hindi na ako ganon kadalas magpost kasi nadala ako. AYOKO NA MAGKASAKIT. At please lang po sa kapwa ko mga seller, alagaan po natin ang sarili natin. Kapag di na kaya ng katawan, magpahinga. Matulog maghapon wag ma guilty kung di ka kumita ngayon makakabawi din tayo. Alagaan po natin ang mga sarili natin. Puhunan natin yung katawan natin, isip at mga diskarte natin. Kailangan din natin ng break.

Magpagupit,bumili ng laruan ng bata, magjalibi, ganyan lang ang “ME TIME” ko. Kailangan nyo din yan. Magshopping kayo, rewardan ang sarili.

Rest in peace.”

Ayon naman sa isang nag comment , pwede raw na severe asthma attack ang nangyari sa naturang online seller.

Sa kasalukuyan umaabot na ng 15K reactions at 43K shares ang post ni Liezle.

Maraming netizen naman ang nagbigay ng kanilang simpatya at pakikiramay sa naturang online sellers.

Source: Liezle De Vera Jordan