Isang Grade 12 Student sa Isabela, nakakuha ng Scholarship na tinatayang P11M ang halaga sa 7 Unibersidad sa ibang bansa.

Kahanga-hanga ang estudyante na si Benjamin Arches na mula sa bayan ng sa Santo Tomas, Isabela, Nakakuha o nakapasa siya sa pagka-iskolar sa mga international universities ang nakakabilib pa rito ay hindi lang isa, dalawa kundi pitong unibersidad sa ibang bansa ang kanyang nakuhang scholarship.

Si Benjamin o mas kilala sa tawag na Bench ay isang graduating senior high school student mula sa Advance Montessori Education Center of Isabela.

Maingay ngayon ang pangalan ni Bench dahil sa mga alok sa kanyang scholarship sa ibang bansa na tinatayang umaabot sana ang halaga sa PHP 11 million.

Si Bench ay natanggap sa Arizona State University sa Tempe, Arizona, U.S.A, with $40,000 (PHP2 million) scholarship grant.

Nakapasa rin siya sa Xavier University sa Ohio na may kasamang scholarship grant na $100,000 (mahigit PHP5 million).

Pasado rin siya sa University of Arizona at may scholarship grant na $30,000 (PHP1.5 million).

Maging sa Merrimack College sa Massachusetts ay nakapasa siya at nagkaroon siya ng conditional admission sa Syracuse University sa New York.

Inalok naman si Bench ng Jacob University sa Bremen, Germany na may taunang 6,000 euros scholarship (PHP330,000).

Samantala, sa pitong ito anong unibersidad kaya ang pipiliin ni Bench bago magsimula sa Fall 2022.

Ayon naman mismo kay Bench ay mayroon naman siyang napupusuan o nagugustuhan sa mga eskwelahan na ito.

“Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University,” sabi ni Bench sa interview Bombo Radyo DZNC-Cauayan nitong May 28, 2022.

“Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course.

“Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million.

Plano na daw ng estudyanteng si Bench ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Architecture.

Sobrang tuwang-tuwa daw si Bench at tila nasa ulap ang kanyang mga paa dahil ito raw ang kanyang pangarap at personal choice.

“The fact na nakuha ko po at nakamit ko ang pinakamataas na scholarship sa pinaka-top choice kong school ay sobrang saya po.”

“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”

Samantala, sa Facebook account ni Bench ay ipinost niya ang limang unibersidad sa Pilipinas kung saan siya rin ay nakapasa.

Siya ay natanggap sa University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University – Dasmariñas at University of Saint Louis – Tuguegarao.

Ayon pa kay Bench, ngayon daw na siya ay mag-aaral na sa U.S pakiramdam daw niya ay natupad din niya ang pangarap ng kanyang mga magulang.

“Sinabi na gusto ng mga magulang na mag-aral sila abroad [dati], it’s like hitting two birds with one stone.

“It’s like achieving my parents dream as likewise as mine.”

Pagtatapos ni Bench, malaking tulong ang iskolarship na ito at pangarap daw niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.

Source: PEP