Isang Nanay na dala-dala ang dalawang anak habang nagtatrabaho sa isang Courier Service, usap-usapan!

Naantig ang mga netizen sa larawan ng isang nanay kung saan ito ay nagsisikap magtrabaho at hindi alintana ang pagod at hirap ng kanyang kalagayan kahit pa kasama niya ang kanyang dalawang anak sa paghahanapbuhay.

Ang naturang dakilang nanay ay nakilala bilang si Lada Koroleva na 19 na taong gulang lamang. Siya ay nagtatrabaho bilang isang delivery rider ng service courier na Delivery Club.

Sila ay naninirahan lamang sa isang apartment sa Moscow kasama ang dalawang anak at kanyang asawa. Kahit pa nga dalawa ang kanilang anak ay siya pa rin ang naghahanap-buhay at nag-aasikaso sa mga ito.

Samantala, ang kaniyang asawa naman ay walang ibang ginawa kundi ang maglaro lamang ng video games maghapon sa kanilang bahay.

Dahil dito ay mas minabuti na lamang ng ina na siya na ang talagang kumilos at mag-alaga sa dalawa nilang anak.

Nasa 17 taong gulang lamang si Lada nang isilang niya ang panganay nilang anak kung saan dala-dala niya rin ito sa stroller habang siya ay nagdedeliver.

At ngayon na dalawa na ang kanyang anak ay mas lalong naging mahirap para kay Lada subalit patuloy pa rin siyang nagsusumikap para sa mga ito.

Maraming mga netizens ang nakasaksi sa kalagayan niyang ito at talaga namang maraming papuri ang natanggap niya dahil dito.

Samantala, kasabay ng papuri ng netizen kay Lada ay marami din nagtaka at nagkomento ukol sa asawa nito na sana daw ay ito ang nagtatrabaho para sa kanilang mag-iina.

Subalit para kay Lada hindi na niya nagawang magreklamo pa bagkus ay siya mismo ang kumilos at gumawa ng paraan para mabuhay ang kanyang mga anak.

Patunay lamang ito na kahit gaano kahirap ang sitwasyon ng isang Ina ay tiyak na gagawa ito ng paraan para mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

 

Samantala, para naman kay Lada hindi man siya biniyayaan ng mabuting asawa ay tiyak na pagkakalooban siya ng Diyos ng kalakasan at katatagan para sa kanyang dalawang anak.