Viral na 8-anyos na bata na sinasabing mas mataas ang IQ kay Albert Einstein, usap-usapan!

Usap-usapan ngayon sa bansang Mexico ang 8 taong gulang na batang babae na sinasabing isang henyo at mas matalino pa sa isang Albert Einstein na kinabiliban ng marami.

Sa kanyang murang edad ay tapos na agad sa high school ang batang kinilalang si Adhara Perez siya ay naghahanda na agad sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon sa naging ulat, Plano raw ng batang si Adhara na mag-aral ng astrophysics para sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang astronaut. Ang naturang kurso ay kukunin niya sa Estados Unidos.

Ang isa pa sa hinangaan ng marami sa batang si Adhara ay sinasabing mas mataas pa raw ang intelligence quotient o IQ nito kay sa mga kilalang personalidad na sina Albert Einstein at Stephen Hawking.

Si Adhara ay 162 samantalang si Einstein at Stephen Hawking ay parehong 160. Yan ay base sa ulat ng Inquirer na nang na-diagnose si Adhara na may Asperger’s syndrome, bagay na nakakaapekto sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao.

Noong siya ay 5 taong gulang ay natapos na niya ang elementarya at naka graduate naman sa middle school noong 6 taong gulang ito. Opisyal na nagtapos ang 8 anyos na si Adhara sa High school.

Sa ngayon ay nag-aaral siya online sa kursong industrial engineering in mathematics sa Universidad Tecnologica de Mexico (UNITEC) at system engineering sa ilalim ng Comprehensive National Cybersecurity Initiative (CNCI).

Bukod sa pagiging matalino sa mga asignatura , nakapagsulat na din si Adhara ng libro na may pamagat na “Do Not Give Up”, Isa rin siya sa kinikilalang 100 Most Powerful Women ng Forbes Mexico.