Batang Badjao na kahawig daw ni Lovie Poe, Kinagiliwan ng mga Netizen

Natuwa at kinagiliwan ng maraming netizen ang isang mag-inang badjao na nakuhanan ng video habang ito ay nakasakay sa Jeep, di umano ang naturang bata raw ay may kamukhang sikat na artista.

Ayon sa kumuha ng video na si Rona Toledo:

“Natuwa lang ako sa bata kasi ang ganda niya parang si Lovi Poe, Nakasabay ko sa jeep kanina may naalala ako ng maliit ako pero makikita mo sa nanay niya na mahal na mahal niya yung anak niya. swerte pa din ng bata kasi ang ganda niya talaga”

Ayon pa kay Rona, Naawa man daw siya sa kalagayan ng mag-ina ay wala naman siyang magawa o maitulong kaya tanging pagkuha na lamang ng video ang kanyang nagawa at ibinahagi ito sa kanyang social media na aniya sana’y matulungan ang mag-ina upang sa gayon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata dahil sa kutis at angkin kagandahan ng bata ay tiyak na malayo ang mararating nito.

Samantala may nagkomento naman kay Rona na tila nag papaalala sa pagkuha ng video sa naturang bata :

“Hopefully this video was taken with permission, especially that she’s a minor. We have laws protecting individual’s privacy. Note, please don’t take this inquiry negatively. Agreeing how beautiful the young lady is,Just hoping that it would be Pinoys practice to ‘ask permission’ first before taking someone’s picture or video especially if there’s a minor”.

Samantala narito naman ang naging komento at reaksyon ng mga netizen sa Magandang Batang Badjao :

“Saan niyo po siya kasabay? Napakagandang bata sana matulungan. at parang may napansin ako parang wala sa sarili yung nanay salita ng salita”.

“Magandang bata, may future to sana lang may maka-discover at tumulong”