Delivery Man, nakatanggap ng P600,000 pesos na TIP mula sa isang TikTOk Family sa Utah dahil sa kasipagan ipinakita nito

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang 89 taong gulang na deliver driver matapos siyang palarin na makatanggap ng $12,000 o may katumbas na 624,000 pesos na Tip mula sa isang TikTOk family sa Utah, ito ay dahil daw sa ipinapakita nitong kasipagan at Pizza greeting!

Laking gulat at hindi makapaniwala ng naturang delivery driver na nakilalang si Derlin Newey nang siya ay bigyan ng Valdez family “TikTok Family” ng “Signed cheque”.

Ang naturang TikTok family ay mayroon mahigit 53,000 followers sa naturang platform kung kaya naman marami talaga ang nakakakilala sa kanila.

Ayon sa naturang pamilya, humanga daw sila sa delivery driver dahil sa kabila ng edad nito ay talagang nagsisikap parin itong magtrabaho.

Dagdag pa nila, mas lalo silang natuwa dahil sa naging greeting nito sa kanila!
“Hello, are you looking for some pizza?” Pagkatapos niyang magdeliver sa naturang pamilya ay nakatanggap ito ng napakagandang tip.

Binigyan siya ng tip na nagkakahalaga ng $12,000 o halos 624,000 pesos! Ayon naman kay Carlos Valdez na siyang nagsimula ng donation run, kailangan daw ito ng matanda at masaya sila dahil nakatulong sila rito.

“He needed this. I’m just glad we could help him. We just need to treat people with kindness and respect the way he does. He stole our hearts.” Pahayag ni Carlos.

Pahayag pa ng pamilya, hindi pa raw sa paat ang social security payment na natatanggap ni Newey o ang naturang delivery driver upang mabayaran ang kanyang gastusin sa araw-araw.

Samantala, tunay na mapalad si Newey dahil siya ang nakatanggap ng tulong mula sa pamilyang ito. Hindi na siya ngayon namomroblema sa kanyang mga gastusin dahil napakalaking tulong na talaga ng tip na ito na natanggap niya.

Kung mas marami sana ang mga tao ang tumutulong sa kanilang kapwa, tiyak na mas magiging masaya at madali ang lahat.